Graduating student, natagpuang patay at nakasilid sa isang storage box

Graduating student, natagpuang patay at nakasilid sa isang storage box

-Bangkay na ng matagpuang ang graduating student na si Carl Laurence Demerey sa isang bakanteng lote sa Biñan City, Laguna

-Puno ng mga galos ay ipinasiksikan sa loob ng isang plastic storage box ang katawan ng binata

-Blangko ang pamilya ng biktima sa motibo ng pagpatay dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Puno ng galos, tila pinahirapan at ipinagsiksikan sa loob ng isang plastic na storage box ang bangkay ng 24-anyos na si Carl Laurence Carl Laurence Demerey.

Nangangamoy na rin ang bangkay nito na tinatayang dalawang araw nang patay ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nakita ng caretaker ng bakanteng lote kung saan ito natagpuan ang storage box, madaling araw ng Martes.

Namamaga na rin daw ang katawan ni Carl Laurence.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nakapanayam naman ABS-CBN News ang isang saksi na nakakita sa dalawang lalaking nakita niyang may dala ng storage box.

Ayon sa saksi, sinita pa raw niya ang mga ito ngunit 'di na lumapit pa dahil mukhang "kargado" ang mga ito.

Sa kanyang pagsasalarawan, nakasuot ng itim na jacket at itim na sombrero ang lalaking humihila sa storage box.

Ayon naman sa PNP, mayroon na silang hawak na CCTV footage kung saan makikita ang plate number ng sasakyang sinabi ng dalawang witness.

Samatala, blangko naman ang pamilya ng binata sa motibo ng pagpatay dito dahil wala silang alam na may kaaway si Carl Laurence.

Palabiro at pala-kaibigan daw ang binata na sana ay magtatapos na sa kursong Accountancy.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebs react on boat incident between PH and China: 'Daplis lang? Wow!’

Celebs react on boat incident between PH and China: 'Daplis lang? Wow!’

Celebs react on boat incident between PH and China: 'Daplis lang? Wow!’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel