FDA, naglabas ng listahan ng mga brand ng mga de latang apektado ng ASF

FDA, naglabas ng listahan ng mga brand ng mga de latang apektado ng ASF

-Inilabas na ng Food and Drug Administration (FDA) ang listahan ng mga brand ng mga de latang ipina-recall nila dahil sa African swine fever

-Kasunod ito ng panawagan ng isang grupo ng mga manufacturers sa bansa na linawin nila ang kanilang naging pahayag

-Nararapat lamang daw na malaman ng taong bayan kung ano ang mga brand na hindi dapat ibenta o bilhin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas na ng listahan ang Food and Drug Administration (FDA) ng mga brand ng mga de latang kanilang ipina-recall dahil sa African swine fever.

Narito ang mga brand na ipina-recall ng FDA dahil mula ito sa mga bansang apektado ng ASF:

- Narcissus

- Heaven Temple

- Ma Ling

- Shabu Shabu

- Sol Primo

- Wang Taste of Korea

- Highway

- Sky Dragon

- Weilin

Matatandaang 16 na bansa ngayon ang apektado ng sakit kabilang ang mga bansang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, and Ukraine, Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, at Belgium.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kasunod naman ito ng panawagan ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na linawin ng FDA ang kanilang advisory upang 'di maapektuhan ang lokal na mga podukto na una nang naiulat ng KAMI.

Samantala, ayon naman sa panayam ng ABS-CBN News kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, dapat daw na malaman ng mga konsyumer ang lahat ng impormasyon kaugnay nito.

Noong isang linggo pa naglabas ng utos ang FDA sa mga importers, dealers and distributors na bawiin ang mga produktong inangkat mula sa mga bansang apektado ng ASF.

Ayon naman kay Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, na napag-alamang nagtitinda pa rin ng isa sa mga brand na ipina-recall sa kanyang supermarkets, hindi daw kasali ang mga gawa bago ang August 2018.

Una nang naiulat ng KAMI na kasama ang Ma Ling na isa sa mga produktong pabotiro ng mga Pinoy sa mga brand ng de latang ipina-recall ng FDA.

Bagamat walang direktang epekto sa tao ang ASF ay nakamamatay naman ito para sa baboy na posibleng maging dahilan ng pagkalugi ng swine industry.

Samantala, sa ibang ulat ng KAMI, naglabas na rin ng listahan ng mga brand ng mga sukang mayroong synthetic acetic acid ang FDA.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel