Pamilya ni Christine Silawan, nagbago ang buhay sa tulong ni Raffy Tulfo

Pamilya ni Christine Silawan, nagbago ang buhay sa tulong ni Raffy Tulfo

-Malaki na ang ipinagbago ng buhay ng pamilya ng pinaslang na si Christine Lee Silawan sa tulong ni Raffy Tulfo

-Bukod sa pagpapagawa ng kanilang bahay ay binigyan pa sila ng pangkabuhayan para makatulong sa kanilang mga pangangailangan

-Sobrang pasasalamat ng pamilya ni Christine sa tulong na ibinigay sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pagkatapos ng pagdurusa, hinagpis at labis na kalungkutan ay may naghihintay na bagong buhay para sa pamilya ng pinaslang na si Christine Lee Silawan.

Sa tulong ni Raffy Tulfo at ng ATC Healthcare ay nabigyan ng tulong ang naulilang pamilya.

Matatandaang noong Marso, araw ng burol ni Christine, ay dumalaw si idol Raffy sa kanilang bahay sa Cebu upang makiramay.

Nang makita ni Tulfo ang kanilang bahay ay agad itong umaksyon para matulungang maisa-ayos ang halos sira ng tahanan ng pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi nakalimutan ng sikat na broadcast journalist na mag-abot ng tulong para sa pamilya habang sila ay bumabangon pa lamang.

At nitong Mayo lamang, muling binisita ni idol Raffy ang pamilya ni Christine sa Lapu-Lapu City sa Cebu para kamustahin ang mga ito at para na rin sa ribbon cutting ng kanilang bagong bahay at tindahan.

Mula sa halos magibang bahay ng mga ito ay isa nang malinis, maayos at higit sa lahat ay mayroon ng CR.

Maging ang kanilang tindahan ay punong-puno na rin ng paninda na tulong-tulong isina-ayos ng team ng Raffy Tulfo in Action.

Hindi rin nakalimutan ng mga ito ang mga gamit sa loob ng bahay upang mas maging maginhawa ang mag-anak.

Sa katunayan ay mismong si idol Raffy kasama ang kabiyak nito pa ang kasama nilang bumili ng refrigerator at washing machine nila.

Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng nanay ni Christine na si aling Lourdes bagamat naroon pa rin ang pighati ng inang nawalan ng ina.

Ngunit higit ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanila lalo na kay Raffy Tulfo, para makabangon mula sa pagdurusa dahil sa pagkawala ni Christine.

Matatandaang noong Marso, sumiklab ang balita tungkol sa brutal na pagkamatay ng dalaga na natagpuang hubad at binalatan pa ang mukha, na una nang naibalita ng KAMI.

Isang winess ang lumutang at sinabing tatlong lalaki ang nakita niyang gumawa ng krimen sa dalaga.

Unang naaresto ang dating nobyo nito na isang 17-anyos na binata hanggang sa naaresto naman si Renato Llenes na umaming siya ang may gawa ng krimen dahil sa obsession.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel