Dating call center agent na palaboy-laboy na lang, natulungan dahil sa viral post

Dating call center agent na palaboy-laboy na lang, natulungan dahil sa viral post

- Humingi ng tulong ang ka-trabaho ng dating call center agent na ngayon ay palaboy-laboy na lamang

- Nagkaroon daw ito ng malubhang karamdaman at ang masaklap pa rito, na-holdap pa ito at nakuha ang lahat ng gamit

- May ilang mga netizens na nagmagandang loob sa dating call center agent at ang isa pa nga sa mga ito ay sagot na ang pamasahe at pabaong pera para makauwi na ito sa dating call center agent

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng tulong ang netizen na si Quiin Amara Kaye para sa dati niyang ka-trabaho na si Victor Ador Sia.

Ayon sa post, call center agent si Victor at nagkaroon daw ng ito ng sakit sa baga dahilan para di na makapasok pa sa trabaho.

Ang masaklap pa rito, anim na buwan na ang nakararaan nang ma-holdap pa ito at nakuha ang lahat ng kanyang gamit.

Ang tanging hiling na lamang daw nito ay ang makauwi na lamang ng Davao. Palaboy na lamang daw kasi ang dating call center agent.

Dahil sa marami na ring nagbahagi ng post, isang netizen ang nagsabing makakatulong siya kay Victor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang netizen na si Eden Laput ang nagsabing mayroon siyang online ticketing business. Maari daw niyang matulungan si Victor na makauwi sa Davao at mabigyan pa ito ng pocket money.

"May Online ticketing business po ako. Kung gusto nya pong umuwi ng davao ako na po ang magbibigay ng free ticket at kunting pocket money. Taga davao rin po ako, currently living here in makati. Kung sino man ang nakakilala o nag post nito maaring makipag ugnayan po sa akin," ang komento ni Eden sa post ni Quinn.

Laking pasalamat ni Quinn na siyang nagbahagi ng kalagayan ng dating ka-trabaho at naghihintay na lamang sila na maging maayos lahat ng pagtulong skay Victor.

Dagdag pa ni Quinn, labis kasi siyang nanghihinayang sa nangyari sa katrabaho dahil may angking talino raw ito.

Umaasa ang karamihan na tuluyan na itong makauwi at baka sakali makabawi pa ito sa mga nangyari sa kanyang buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Agaw eksenang 'groufie' ng isang tour guide, kinagiliwan ng mga netizens

Agaw eksenang 'groufie' ng isang tour guide, kinagiliwan ng mga netizens

Agaw eksenang 'groufie' ng isang tour guide, kinagiliwan ng mga netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel