Ilang residente sa Quezon city, tuwang-tuwa sa pag-ulan ng yelo sa kanilang lugar

Ilang residente sa Quezon city, tuwang-tuwa sa pag-ulan ng yelo sa kanilang lugar

- Inulan ng maliliit na piraso ng yelo ang Quezon city kahapon, Hunyo 3

- Namangha at natuwa ang mga residente sa maiksing panahon na naranasan nilang ulanin ng yelo

- Sinasabing isa itong hailstorm na nagaganap bilang hudyat ng tag-ulan matapos ang mahabang tag-init

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ang mga videos na binahagi ng ilang residente ng Quezon city kung saan naaktuhan nila ang pagbagsak ng mga maliliit na tipak na yelo o 'hail' kahapon, Hunyo 3.

Makikita sa isang video na binahagi ni Rafael Antonio Anton Dulce sa Pilipino Star Ngayon ang pagbagsak mismo ng yelo na kasing lalaki ng mga holen na bumabagsak sa bubong ng isang bahay.

Kaya naman, mapapansin na mas malakas ang tunog nito dahil sa pagbagsak ng mga yelo na animo'y bumabato sa bubong.

Sa isang video naman na binahagi ni Mary Anne Villafuerte Castil sa Philippine Star, nakasalo siya mismo ng ilang tipak ng yelo sa kanyang palad. Kuha ito bandang 3:45 ng hapon sa Tandang Sora.

Hugis bilog ito na sing-laki nga ng maliliit na holen. Nag-enjoy naman din daw ang ilang residente sa panonood at pagdampot ng mga 'hail' sa naganap na 'hailstorm' kahapon sa Quezon city.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"True,,to eye ko dampot -dampot p aq ng yelo talaga xa 3rd floor ng bhay aq,,,mdaming yelo pinaglaruan ko p sa talampakan ko,, is tym,3:40oclock pm"
"Satin dati sa montalban nangyar n yan eh . Umulan ng yelo"
"Sana snow na lang talaga e noh para naman makabawi sa sobrang init"
"Natuwa ako kasi nakasalo rin mismo ako ng hail... sana maulit"
"Yung mga kids ko di manila pero nung try nilang kumuha, nagulat sila"

Sinasabing nagaganap ang hailstorm bilang hudyat ng tag-ulan mula sa matinding taag-init. Di malayo itong mangyari lalo p at ang buwan ng Hunyo ang simula ng tag-ulan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Isko Moreno has an awesome family life outside politics

Isko Moreno has an awesome family life outside politics

Isko Moreno has an awesome family life outside politics
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel