Tusong GF na nagkalat ng mga videos ni BF, tinutugis ng mga awtoridad

Tusong GF na nagkalat ng mga videos ni BF, tinutugis ng mga awtoridad

-Labis na ang pag-aalala ng binatang si Rimuele Dela Vega dahil sa mga kumakalat niyang mga videos sa social media

-Ang hinihinala niyang nagpakalat nito ay ang kanyang nobya na nakilala lamang sa Facebook

-Ngunit ang mas malala palang kakaharapin ni Dela Vega ay ang posibilidad na isang poser lamang ang kanyang magandang GF

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nangangamba ang binatang si Rimuele Dela Vega matapos kumalat ang kanyang video sa social media.

Ang hinala ng binata, ang nagpakalat ng mga ito ay walag iba kung hindi ang kanyang nobya na kinilala bilang si Maine “Meng” Sampang Bistro o Maine Real.

Napag-alamang sa Facebook lamang nakilala ng binata ang kanyang GF at hindi pa sila kahit kailanman nagkita ng personal.

Ayon sa panayam dito ng sikat na mamamahayag na si Raffy Tulfo, may mga bagay na ipinagawa sa kanya ang kanyang nobya at ipina-record sa pamamagitan ng video.

Tinatayang nasa walong video ni Dela Vega na pawang malalaswa ang nasa kamay ni Meng.

Sabi ng binata, nagawa lamang niya ito dahil sa labis na pagmamahal sa magandang nobya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa tulong ng programang Aksyon, tinawagan nila ang kompanyang sinabi ng suspek na kanyang pinagta-trabahuhan at nakumpirmang wala silang tauhan na ganoon ang pangalan.

Doon na mas tumibay ang hinala na poser ang naging karelasyon ng binata kaya naman humingi na sila ng tulong sa Anti-Cybercrime group.

Nangako naman ang mga awtoridad na tutulungan si Dela Vega na matunton ang uploader ng kanyang mag malalaswang videos.

Bukod dito, ay aaksyon na rin ang mga ito upang mapatigil na ang pagkakalat ng mga ito.

Nanawagan naman si idol Raffy sa babaeng nasa larawan na magpakita at magbigay linaw kung siya ba talaga ang nakarelasyon ni Dela Vega.

Narito ang buong report mula sa Raffy Tulfo in Action Youtube channel: PINAG MARIANG PALAD SIYA SA VIDEO CALL NG KANYANG GF SA FB AT IKINALAT SA SOCIAL MEDIA!

Tusong GF na hinihinalang poser, tinutugis ng mga awtoridad

Photo source: Screen grab from Raffy Tulfo in Action Youtube channel
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Inang kasabay ang anak na mag-grade 1, pursigidong ituloy ang naudlot na pag-aaral

Inang kasabay ang anak na mag-grade 1, pursigidong ituloy ang naudlot na pag-aaral

Inang kasabay ang anak na mag-grade 1, pursigidong ituloy ang naudlot na pag-aaral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel