Nakaaalarmang bagong modus sa di umano'y pangunguha ng bata, binahagi ng isang ina

Nakaaalarmang bagong modus sa di umano'y pangunguha ng bata, binahagi ng isang ina

- Binahagi ng isang ina ang naging karanasan nito sa babaeng di umano'y balak kunin ang kanyang anak

- Nakakatakot daw talaga ang pangyayari dahil saanman sila magpunta noon ng kanyang anak at biyenan, sinundan talaga sila ng babae

- Mabuti na lamang at may mga taong nagmalasakit at tumulong sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay babala ang isang ina patungkol sa di umano'y bagong modus ng pangunguha ng bata na kanila mismong naranasan.

Sa viral post ng netizen na si Andrea Jane Ciolo Amar, kinuwento niya ang nakapangingilabot na pangyayari nang kasama niya ang kanyang anak na babae at biyenan.

Napansin niyang sinusundan sila ng isang babaeng naka-duster at mukha naman daw nasa matino pang pag-iisip. Mahinahon naman daw itong magsalita at nakakapagsalita pa raw ng maayos na English.

Ang masaklap nga lang nito, kinakausap ng babae ang mga tao sa lugar at sinasabing kinuha ni Andrea ang bata na kanya raw tunay na anak.

Sinubukang lumayo nina Andrea ngunit sinsundan pa rin daw talaga sila ng babae.

Nakaramdam din daw siya ng takot ngunit mas nangibabaw ang galit dahil sa gingawang iyon ng babae.

Nagbigay babala rin si Andrea sa mga kapwa niya magulang na may anak edad 1 hanggang 3 na pakaingatan ang kanilang mga anak.

Malaki raw kasi ang posibilidad na isa talaga itong modus at kung mahina ang magulang, malamang nakuha na ang anak.

Laking pasalamat na lamang daw nila sa mga taong tumulong sa kanila at tuluyan na silang nilubayan ng babae.

Samantala, naalarma rin talaga ang mga netizens na galit din ang naramdaman sa babaeng nais kumuha sa anak ni Andrea. May ilan namang nakapagsabi na marahil wala naman daw sa tamang pag-iisip ang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Dapat isinumbong sa pulis.. baka makabiktima pa yan.."
"Nangunguha cgoro NG Bata Yan kya Ingat kyo layuan ang mga Tao n ganyan"
"Nkkbili n ata ng damit sa pangddukot.. Kwawa n nmn ang mga btang nbbiktima yan... !!"
"May problema lang sa utak yan nabaliw pag pasensyahan nio na"
"baka may tama sa utak yan.. sa isip nya anak nya,kaya pinipilit nyang kunin sau.. hnd nmn porke magaling magenglish.. hnd na tntamaan ng pagkabaliw.. bka nawalan ng anak c ate girl.. nabaliw.. kaya ganyan.. ingats din..

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Isko Moreno has an awesome family life outside politics

Isko Moreno has an awesome family life outside politics

Isko Moreno has an awesome family life outside politics
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel