Tatay, nagbuwis ng buhay para sa anak mula sa umatakeng buwaya

Tatay, nagbuwis ng buhay para sa anak mula sa umatakeng buwaya

-Bangkay na nang makita ang lalaking si Jomar matapos itong atakihin ng isang buwaya

-Ayon sa anak nito, na siyang aatakihin ng buwaya, sinangga ng kanyang tatay ang sariling katawan sa buwaya nang makita nitong palapit na sa kanya

-Ganunpaman, wala raw planong ipahuli ng mga mamamayan ng barangay ang umataking buwaya sa takot na sila balikan ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matagal nang naninirahan ng payapa ang isang barangay sa Rizal sa Palawan kahit pa nga mayroong tinatayang 30 buwaya na ninirahan malapit sa kanila.

Ngunit kamakailan lang, dalawang insidente ng pag-atake ng mga buwaya ang naiulat sa kanilang barangay ayon sa report ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS).

Ayon sa kwento ng magsasakang si Arsad, inatake raw siya ng buwaya habang kampante siyang namamangka sa ilog sa kanilang lugar noong Abril.

Mabuti na lamamg at nakaligtas ito mula sa pag-atake nito.

Dahil dito, nagkaroon ng takot ang mga residente ngunit patuloy pa rin ang kanilang pang-araw-araw na buhay.

Hanggang sa kamakailan lang, isa muling insidente ng pag-atake ang naiulat, na kumitil sa buhay ng isang lalaki.

Ayon sa kwento ng batang si Aliben, anak ng nasawing si Jomar, naliligo sila sa ilog kasama ang tatay at mga kapatid.

Napalayo siya sa mga ito at maya-maya pa'y nagulat na lang ito nang makitang nasa likuran na niya ang isang buwaya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makita daw ito ng kanyang tatay ay isinangga nito ang sariling katawan laban sa buwaya at doon na ito sinakmal.

Ilang sandali pa, tinangay na nito si Jomar. Kinabukasan, bangkay na nang makita ang lalaki.

Tatay, nagbuwis ng buhay para sa anak mula sa umatakeng buwaya

Photo source: Screen grab from KMJS
Source: Facebook

Bagamat nais ng asawa nitong si Anisa na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng asawa, nangangamba itong baka balikan sila ng mga buwaya.

Nang isangguni ito ng KMJS sa Palawan Council for Sustainable Development, sinabi nitong pwedeng hulihin ang isang buwaya ngunit mayroong mga kondisyon.

Isa na rito ang pagsasa-alang-alang ng breeding season ng mga ito. Kung nasa ganitong panahon, hindi maaaring hulihin ang mga buwaya.

Dapat rin daw malaman ng mga tao ang kahalagahan ng mga buwaya sa ating ecosystem.

Ganunpaman, wala raw balak ang mga residente na ipahuli ang buwaya na pinaniniwalaang umatake sa kanilang mamamayan.

Narito ang buong report mula sa KMJS: Beastmode sa Palawan

Tatay, nagbuwis ng buhay para sa anak mula sa umatakeng buwaya

Photo source: Screen grab from KMJS
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel