Pilosopong playboy, tumatawad ng P500 na sustento sa 2 niyang naanakan

Pilosopong playboy, tumatawad ng P500 na sustento sa 2 niyang naanakan

-Hindi nagustuhan ni Raffy Tulfo ang pagsagot ng isang lalaking inirereklamo ng dalawang babaeng naanakan nito

-Matapos kasing anakan ang dalawa ay tinakasan na umano nito ang responsibilidad sa dalawa.

-Sa halip na makipagkasundo noong una ay tumawad pa ito ng sustento sa halagang P500 kada buwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagngingitngit ang dalawang babaeng complainant ng programang Raffy Tulfo in Action nang idulog ang kanilang reklamo laban sa lalaking nakabuntis sa kanila.

Kinilala itong si Aron Jay Mogol, 27-anyos at supervisor sa isang pagawaan ng pintura sa Laguna.

Giit nina Jean Rizza Carazo at Andrea Pastrana na parehong naninirahan sa Cavite, tinakasan na raw ni Mogol ang responsibilidad nito sa kanila.

Pilosopong playboy, tumatawad ng P500 na sustento sa 2 niyang naanakan

Photo source: Screen grab from Raffy Tulfo in Action Youtube cahnnel
Source: Facebook

Si Carazo ay halos siyam na buwan nang buntis habang si Pastrana naman ay may anak nang limang buwan na pawang mga bunga raw ng kapusukan ni Mogol.

Ngunit ayon pa sa dalawang complainant ay parehong itinanggi ni Mogol na sa kanya ang bata.

Nang makausap naman si Mogol ng host na si Raffy Tulfo, hindi nito itinanggi na hindi siya nakakapagbigay sa mga naanakan niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alamang ikakasal na pala ito sa ikatlong babaeng nabuntis nito at naghahanda na para roon na labis na ikinasama ng loob ng dalawa.

Hindi rin itinanggi ni Mogol ang pagdududa niya na anak niya nga nasa sinapupunan ni Carazo dahil nagkaroon pa umano ito ng ibang noby.

Ganunpaman, iginiit ni Tulfo ang responsibilidad niya sa mga ito na naaayon sa batas.

Nagawa pang tumawad ni Mogol ng P500 mula sa P1000 na sustentong hinihingi ng dalawa kada kinsenas bukod pa sa mga gastusin ni Carazo sa ospital.

Hindi na nagustuhan ni idol Raffy ang mga paraan ng pagsagot ni Mogol at pinaalalang muli ang haharapin nito sakaling tumanggi pa ito.

Sa huli nagkasundo ang dalawang babae na ihabla na lamang si Mogol dahil sa pagmamatigas nito.

Ngunit ayon naman sa update ng programa, nagkaharap na raw ang tatlo sa barangay, isang araw matapos maiere ang reklamo laban kay Mogol.

Agad daw nagbigay ang lalaki ng P25,000 kay Carazo para sa gagastusin nito sa panganganak habang nangako naman kay Pastrana na itutuloy ang sustento sa kanilang anak pagkatapos ng kasal nito.

Narito ang buong istorya mula sa Raffy Tulfo in Action Youtube channel. IKAKASAL NA SI SIR PERO HINAHABOL SIYA NGAYON NG MGA NAANAKAN NIYA!

Pilosopong playboy, tumatawad ng P500 na sustento sa 2 niyang naanakan

Photo source: Screen grab from Raffy Tulfo in Action Youtube cahnnel
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Julia Barretto exposes real score between her and Gerald Anderson

Julia Barretto exposes real score between her and Gerald Anderson

Julia Barretto finally reveals real score between her and Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel