Gurong cancer survivor, may matamis na mensahe para sa mister na 'di siya iniwan

Gurong cancer survivor, may matamis na mensahe para sa mister na 'di siya iniwan

-Dahil sa sakit na cancer, mas tumibay pa ang pagmamahalan ng mag-asawang Wilma at Dexter

-Laking pasalamat ng cancer survivor na si Wilma na hindi siya iniwan ng kanyang asawa hanggang sa matapos ang kanyang laban sa nakamamatay na sakit

-Nangako pa ang mag-asawa na hinding-hindi nila iiwan ang isa't-isa kahit ano pa ang dumating sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hirap at pagkalugmok sa utang ang naging bunga ng pagkakaroon ng cancer ng gurong si Wilma Panganiban.

Mula 1997, ay nagpapa-chemo therapy na ang ginang. Bukod sa nakamamatay na sakit ay nagkaroon rin ito ng bukol sa matris, kidney, nagkaroon ng gallbladder stones, at iba pang impeksiyon.

Ngunit nanatiling matatag ito dahil na rin sa mga taong tumulong at nagmamahal sa kanya lalong-lalo na ang kanyang kabiyak na si Dexter.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa programang Mars ng Kapuso Network, nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam ang mag-asawa.

Hanga ang mga host na si Suzy Entrata at Camille Prats sa pagmamahalan ng dalawa na tila mas pinalalim at pinatatag pa ng sakit na cancer.

Laking pasasalamat ni teacher Wilma sa asawa na kahit kailan ay hindi siya iniwan at inalagaan hanggang sa matapos ang kanyang laban sa cancer.

Habang si Dexter naman ay nangako na patuloy na mamamahalin ang kabiyak.

Kanga-hanga ang pagmamahal ni Mang Dexter para sa asawa na hindi masusukat ng mga pagsubok sa kanilang relasyon.

At tunay ngang ang wagas na pag-ibig ay mas mabisang gamot sa kahit na anong sakit na pagdaraanan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Former actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation

Former actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation

Former actress Angela Zamora gets arrested in buy-bust operation
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel