Batang "tagabaklas", determinadong makatapos ng pag-aaral

Batang "tagabaklas", determinadong makatapos ng pag-aaral

-Buo ang loob ng batang si Jumong na makapagtapos ng pag-aaral

-Kaya naman kahit na bata pa ang katawan ay pinipilit nitong kumayod para matuloy na makapasok sa eskwela

-Hangad ni Jumong na magkaroon siya ng mga gamit na 'di na kayang bilhin ng kanyang maliit na kita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa halip na laruan ang hawak at pinagkakaabalahan ng batang si Jumong, martilyo at mga sirang gamit ang inaatupag nito sa araw-araw.

Si Jumong kasi ay isang tinatawag na "mangbabaklas" o 'yun mga nagbabaklas ng mga sira at lumang gamit upang makuha ang mga tanso at bakal na maari pang pakinabangan.

Sa tulong ng "nagpapabaklas" na si Jimboy Obeda na maituturing na nitong gabay, pilit nakikisabay si Jumong sa hamon ng buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kabila ng batang katawan, tinitiis nito ang bawat sakit ng katawan at sugat para sa kanyang pangarap.

Nais ni Jumong na makatapos ng kanyang pag-aaral.

Nang maitampok ang istorya nito sa programang Front Row, ibinahagi nito ang kanyang mga ginagawa para kumita ng maliit na halaga.

Nang araw na iyon, kumita si Jumong at Jimboy ng P72 na kanila namang pinaghatiaan.

At dahil pasukan na, kailangan nang bumili ng batang baklas ng kanyang gamit sa eskwela.

Sinamahan ito ng kaibigang si Jimboy at pilit pinagkasya ang kanyang naipong pera para sa mga school supplies na kailangan niya.

Ngunit bukod rito, hangad ni Jumong na magkaroon ng bag, sapatos at bagong uniporme na 'di na kayang bilhin ng kanyang maliit na kita.

Sa iba pang ulat ng KAMI, isa namang batang bangkero ang katulong ng kanyang ama s apaghahanapbuhay para makapagtapos din ng pag-aaral.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel