8 Pinoy celebrity kids na gumraduate ngayong taon

8 Pinoy celebrity kids na gumraduate ngayong taon

Spotted ng KAMI ang 8 Pinoy celebrity kids na gumraduate ngayong 2019.

Naispatan namin ang iba't ibang mga pagbati mula sa kanilang mga sikat na Pinoy celebrity parents sa social media.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sila ang ilan lang sa aming nakita mula sa pagbati ng kani-kanilang Pinay celebrity moms at Pinoy celebrity dads sa Instagram pages.

1. Juliana Gomez

Parehong binati ng celebrity parents na sina Leyte's 4th District Representative Lucy Torres at Ormoc Mayor Richard Gomez ang kanilang pretty unica hija na si Juliana Gomez sa pagtapos nito ng high school.

Isang napaka-sweet na message naman ang ibinahagi ni Lucy kay Juliana.

"My @gomezjuliana, my little best friend and answered prayer, off to college now."

At may tanging hiling din si Lucy sa unica hija.

Saad pa niya:

"my prayer was/always is that you become the person God designed you to be."

Bago pa ang graduation ng unica hija nina Lucy at Richard Gomez ay nag-trending din ang prom night date nina Juliana Gomez at Andres Muhlach dahil sa kilig ng online world.

2. Jimuel Pacquiao

"Indescribable feeling" naman ang nasambit ng celebriy mom na si Jinkee Pacquiao sa kanilang panganay ni Senator Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao.

"We are so proud of you," naman ang bati ng proud daddy na si Pacman para sa graduation ng panganay.

3. Gianna Bettina Ejercito

Isang proud dad naman si Gary Estarda sa kanilang bunso ni Bernadette Allyson na si Gianna.

At ayon pa sa caption ni Bernadette sa kanyang post, isa sa mga outstanding students ang bunso nila ni Gary.

Ibinahagi rin namin ang tungkol sa tatlong nagagandahang anak na babae nina Bernadette Allyson at Gary Estrada, kamakailan lang.

4. Miel Pangilinan

Pa-high school naman ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta na si Miel Pangilinan.

Hindi naman nagpahuli ang proud sister na si KC Concepcion sa kanyang pagbati sa nakakabatang kapatid.

5. Bianca Rogoff

Hindi din nagpahuli ang proud mom at award-winning actress na si Cherie Gil para batiin ang kanyang pretty mini-me na si Bianca Rogoff sa pagbati sa kanyang graduation mula sa New York University.

Gumraduate pa ito with an award, na una naming ibinalita, kamakailan lang.

6. Jacqueline Arabella Marie

Gumraduate din ang pretty at bunsong anak nina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao na si Jacqueline Arabella Marie.

7. Mavy Legaspi

Nagbahagi naman si Mavy Legaspi ng ilang pics kasama ang kanyang mga high school classmates na suot-suot pa rin ang kanilang basketball shoes.

Gumraduate si Mavy bitbit ang tatlong medalya at ito ay ang loyalty, sports, at academic awards, ayon pa sa balita ng gmanetwork.com.

5. Cassy Legaspi

Nag-share din ng kanyang sariling post ang isa pang Legaspi twin na gumraduate na si Cassy.

Ani pa ni Cassy sa kanyang caption:

"out of high school...and on to better things.."

Nakatanggap rin umano si Cassy Legaspi ng loyalty award.

Hindi naman nagpahuli ang kanilang mommy na si Carmina Villaroel sa pagbati sa kanila.

Sa katunayan, nag-trending ang 'touching graduation message' ni Carmina Villaroel para sa kanyang kambal.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI gets up close and personal with Baron Geisler on life after the alcohol addiction, about religion and his girlfriend.

Get more fresh and insightful interviews from some of our famous Pinoy celebrities and other interesting and fun videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Gerphil Flores gets married to long-time boyfriend at Manila Cathedral

Gerphil Flores gets married to long-time boyfriend at Manila Cathedral

Gerphil Flores gets married to long-time boyfriend at Manila Cathedral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel