Cafe sa Siargao na gumagamit na ng 'lukay' straw, pinuri ng mga netizens

Cafe sa Siargao na gumagamit na ng 'lukay' straw, pinuri ng mga netizens

- Hinangaan ng marami ang isang cafe sa Siargao na gumagamit na ngayon ng "lukay" straw bilang pamalit a plastic straws

- Ang lukay straw ay yari sa mga dahon ng niyog na mas kinagiliwang gamitin ng mga customer ng cafe kaysa sa paper straw

-Malaking bagay ito sa ating kalikasan na sinusubukan na nating isalba mula sa matinding problema ng labis na paggamit ng plastic

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napakagandang ideya ang ginawa ng isang cafe' sa Siargao kung saan sinimulan na nilang gumamit ng "lukay" straw pamalit ng plastic straws.

Ang lukay straw ay yari sa dahon ng niyog. Bilang sagada sa anyong tubig ang Siargao, naglipana rin ang mga puno ng niyog doon kaya naman madali lamang makagagawa ng lukay straws.

Ayon sa panayam ng Yahoo sa may-ari ng Cafe' Editha na si Sarah Tiu, Nakuha niya ang konsepto sa paggamit ng lukay straw nang manggaling siya sa Corregidor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bumili lamang si Sarah ng fresh buko at doon niya napansing ginawang lukay straw ng nagtitinda ang dahon ng niyog.

Nagustuhan naman ito ng kanilang mga customer sa Cafe' Editha sa Dapa, Surigao del Norte. Mas gusto ng mga customer ang konsepto ng lukay kumpara sa paper straw na madaling masira.

Sa ganitong paraan pa, nakatulong pa raw sila sa kalikasan na inaapulahan na ang labis na polusyon lalo na pagdating sa mga plastic na basura.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel