Malalaking mga tent, nagsilbing classroom sa mga estudyante sa Benguet

Malalaking mga tent, nagsilbing classroom sa mga estudyante sa Benguet

- Mga tent ang nagsilbing classrooms ng ilang mga estudyante ng Midas Elementary School sa Itogon, Benguet

- Nasunog ang kanilang paaralan kaya malaking bagay ang mga tent na kanilang nagamit para maging mga silid-aralan

- Hunyo 3 ang simula ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang nakapigil sa Midas Elementary school upang simulan ang panuruang taon 2019-2020.

Nasunog ang naturang paaralan nitong Enero ng kasalukuyang taon. Kaya naman malaking bagay na naibahagi ng Unicef ang mga tent na nagsilbing pansamantalang silid-aralan ng mga estudyanteng excited na sa pagbubukas ng klase.

Sa loob ng tent, makikitang mayroong mga upuan at maging blackboard na magagamit naman talaga ng mga estudyante.

Ayon pa sa ABS-CBN ulat ni Maricel Ilao ng ABS-CBN news, hati-hati ang mga guro sa mga kagamitan para lamang maituloy ang pagsisimula ng klase.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kuha ang larawan na ito ni Leo Mercado.

Samantala, nasa 27.8 milyong estudyante ang nagbalik-eskwela ngayong araw.

Katuwang ng Department of Education ang Philippine National Police para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa panimula ng bagong panuruang taon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel