Heaven Peralejo, may paliwanag sa pagtago sa relasyon kay Jimuel Pacquiao

Heaven Peralejo, may paliwanag sa pagtago sa relasyon kay Jimuel Pacquiao

- May paliwanag si Heaven Peralejo sa pagtago noong una sa kanilang relasyon ni Jimuel Pacquiao

- Ito ay ibinahagi ng dating PBB housemate sa Magandang Buhay

- Gusto raw niya makita ang effort ni Jimuel at naghihintay din daw siya ng sign

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na nagbigay ng paliwanag si Heaven Peralejo kung bakit tinago muna nila ang kanilang relasyon ni Jimuel Pacquiao sa Magandang Buhay.

Ito ay ipinahayag ng dating PBB housemate sa guesting niya sa Magandang Buhay ng Kapamilya network.

Sa tanong kung bakit umabot daw ng isang taon ang panliligaw ni Jimuel sa kanya, ikinuwento ni Heaven ang tunay na dahilan.

Aniya:

"Kasi ako naman po gusto ko makita yung effort. Naghihintay din po ako no'n ng sign. Hinihintay ko rin po na ready ako. Kasi siyempre ayoko naman pong pumasok sa first relationship ko nang nagmamadali."

Tinanong rin siya kung na-pressure ba siya dahil sa Pacquiao si Jimuel.

Pag-amin naman ni Heaven:

"Na-pressure ako doon sa...Kaya tinago po din namin for a while, habang nanliligaw po, habang di pa sure. Sabi ko, 'atin na lang muna. Privacy muna.' Kasi ayaw ko din naman na ang daming masasabi ng mga tao at hindi ko naman maiiwasan din po yun. So, parang mas gusto kong i-cherish kung ano meron kami."

Pinaghirapan daw ni Jimuel ang panliligaw sa kanya.

Dugtong pa niya:

"Niligawan niya po yung both families ko. Umakyat po talaga siya ng ligaw sa both parents ko. So talagang pinaghirapan niya 'yun."

Si Heaven Peralejo ay unang nakila sa sikat na Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother bilang isa sa mga PBB housemates.

At si Jimuel Pacquiao naman ay ang panganay nina Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao at kuya ni Michael Pacquiao.

Watch the interview below:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

KAMI gets up close and personal with Baron Geisler on life after the alcohol addiction, about religion and his girlfriend.

Get more fresh and insightful interviews from some of our famous Pinoy celebrities and other interesting and fun videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lauren Young slams ‘Chinese-only’ restaurant in Subic

Lauren Young slams ‘Chinese-only’ restaurant in Subic

Lauren Young calls out ‘Chinese-only’ restaurant in Subic
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel