Barbie Imperial, ibinahagi ang pagtitipid para makabili ng bahay

Barbie Imperial, ibinahagi ang pagtitipid para makabili ng bahay

- Ibinahagi ni Barbie Imperial ang pagtitipid para makabili ng bahay

- Kung bibili raw siya ay dapat may discount umano

- At ang ibang mga bagay na meron siya ay bigay lang daw

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na tinitipid umano ni Barbie Imperial ang sarili para makabili ng bagong bahay.

Ayon pa sa balita ni Leo Bukas ng push.com.ph, nagtapat ang Kapamilya actress sa kanyang plano para magkaroon ng bahay at dito ay inamin niya ang mga pagtitipid na ginawa niya para matupad ang pangarap na ito.

Sa tanong na , "Ganun na ba kalaki ang naipon niya para makabili ng bahay?"

Tugon naman ni Barbie:

"Di pa naman ganun kalaki… hindi naman," na may sabay tawa.

Dito ay nagpatuloy ang dating PBB housemate sa pagbahagi niya tungkol sa pag-iipon.

"At saka hindi ako maluhong tao, eh. Siguro yung mga bags na meron ako, may nagbibigay, mga online shop… ganun. Yung iba naman galing sa mga tita ko. Tapos kung bibili lang ako dapat may discount, siyempre, so nakakaipon talaga ako."

Patuloy pa ni Barbie:

"Hindi ako magastos na tao, eh. May bank account ako na sa ipon ko, tapos maglalagay lang ako sa (atm) card ko ng para sa isang buwan, tapos titipirin ko na yon para may naiipon ako. Pero hindi naman to the point na ipon na ipon na tinitipid ko na yung sarili ko."

Sa tanong naman kay Barbie kung saan ba raw niya nakuha ang ganitong ugali.

Saad pa niya:

"Ay siyempre, galing tayo sa hirap, eh. Siyempre, ayoko nang bumalik don."

Ibinahagi rin ni Barbie:

"Ayoko din magmadali. Pero balak ko naman if ever na bumili ako, yung bahay na yon hindi pa sa akin, kay mama muna."

Si Barbie Imperial ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother: 737 bilang 'The Doll along the Riles of Albay.'

Huling nakita si Barbie bilang ang lead role na si Mitch ng 'Ipaglaban Mo!' sa 'Saltik' episode ng show at kasali rin siya 'Finding You.'

POPULAR: Read more news about Barbie Imperial here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel