'The Upside' actor, nagpa-picture kay Jade ng Halik! Yam Concepcion, ibinahagi ang nangyari

'The Upside' actor, nagpa-picture kay Jade ng Halik! Yam Concepcion, ibinahagi ang nangyari

- Nagpa-picture ang 'The Upside' actor kay Jade ng Halik na ginampanan ng aktres na si Yam Concepcion

- Ibinahagi naman ng aktres sa social media ang nangyari

- Super aliw ang nasabing photo op na ito, ayon na rin sa kuwento ni Yam

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpa-picture ang 'The Upside' actor na si Bryan Cranston kay Jade ng Halik na dating ginampanan ng aktres na si Yam Concepcion at spotted ng KAMI ang pagbahagi ng huli sa nangyari sa social media.

Ibinahagi ni Yam ang 3 pictures ng naturang photo op nila ng kanyang boyfriend na si Miguel CuUnjieng sa Hollywood icon na huling nakita sa box office hit na pelikula na pinamagatang 'The Upside.'

Sa caption ay ikinuwento ni Yam Concepcion ang BTS ng naturang mga pictures na kinunan sa 'Belasco Theatre' sa New York.

Ayon pa sa kuwento ni Yam:

"*walking down 44th st.*
Bryan Cranston : Hi Jade, could I have a photo?
Jade: Yeah sure!
Bryan Cranston: Hey Guy, could you use my phone
Miguel: Yeah i guess so.
#SWIPE #PowerofLOVE"

Si Yam Concepcion ay huling nakita sa sikat na teleseryeng 'Halik' ng Kapamilya network bilang si Jade Bartolome.

At bukod sa blockbuster hit na 'The Upside,' nakilala rin si Bryan Cranston sa mga sikat na TV series gaya ng 'Breaking Bad.'

POPULAR: Read more news about Yam Concepcion here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel