2 suspek sa pagpatay sa isang babae, isinuplong ng saksi na close sa mga ito

2 suspek sa pagpatay sa isang babae, isinuplong ng saksi na close sa mga ito

-Arestado ang isang barangay kagawad at kaibigan nito matapos isumplong ang mga ito ng isang concerned citizen na malapit sa mga ito

-Ayon sa saksi, ang mga ito ang suspek sa pagpatay sa isang babaeng natagpuang patay sa ilog

-Ayon sa ulat, pinagsisisihan na raw ng dalawa ang kanilang nagawang krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalaboso ang isang incumbent na barangay kagawad at isang kaibigan nito matapos isuplong ng isang saksi na pumatay sa isang babaeng guest relations officer sa Pangasinan.

2 suspek sa pagpatay sa isang babae, isinuplong ng saksi na close sa mga ito

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ni Noriel Padiernos ng ABS-CBN News, natagpuan ang bangkay ng 32-anyos na biktima sa gilid ng isang ilog sa Barangay Tagac, Mangatarem sa nasabing probinsiya.

Isang taong malapit sa mga suspek ang nagsuplong sa nangyaring krimen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base sa nakuhang impormasyon ng pulisya, inilabas ng dalawang suspek ang biktima noong gabi ng Mayo 26 mula sa isang bar at isinakay sa tricycle papunta sa ilog.

"Dinala nila dito, subalit hindi na pumayag 'yung biktima saka na nangyari 'yung commotion," sabi ng Pangasinan police.

Sabi ng concerned citizen, sinubukan pa umanong tumakbo ng biktima ngunit binato ito ng mga suspek at tinamaan sa ulo.

Inilagay ng mga suspek sa gilid ng ilog ang bangkay nito at tinabunan ng malalaking bato.

Ayon sa ulat, pinagsisisihan na ng mga ito ang nagawang krimen.

Napag-alaman din na dati nang may mga kaso ang mga suspek.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel