Annyeong! South Korea, pinadali ang visa application para sa mga Pinoy

Annyeong! South Korea, pinadali ang visa application para sa mga Pinoy

-Mas pinadali na ng bansang South Korea ang proseso ng visa application para sa mga Pilipino

-Bukod rito ay hinihikayat din ng bansa ang mga Pinoy na mag-aral doon sa pamamagitan ng mga scholarship na kanilang inaalok

-Ito ay inihayag mismo ng South Korean ambassador sa bansa sa pagdiriwang ng ika-70 taon ng Filipino-Korean diplomatic ties

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mas pinadali na raw ng bansang South Korea ang proseso ng visa application para sa mga Pilipino ayon mismo kay South Korean ambassador Han Dongman.

Sa pagdiriwang ng ika-70 taon ng Filipino-Korean diplomatic ties na ginanap sa Maynila kamakailan, inihayag ni Han ang magandang balita mula sa kanilang bansa.

Sabi ni Han, mas pina-simple na ang requirements para mga Pinoy. Maaari rin daw mag-apply sa mga travel agencies upang mabawasan ang pila sa South Korean Embassy.

Mas konti na rin daw ang mga requirements para sa mga kwalipikadong mga propesyunal, miyembro ng media at empleyado ng gobyerno na nais mag-trabaho doon.

Magkakaroon ang mga ito ng multiple-entry visas na valid mula lima hanggang 10 taon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"For those qualified for the multiple visa, they can submit only one paper saying I am working for this company," sabi ni Han ayon sa ulat ni Anjo Bagaoisan ng ABS-CBN News.

Bukod dito, dinoble pa ng South Korea ang inaalok na scholarships para sa mga Pilipino na nais mag-aral doon.

"We are encouraging people-to-people exchange, not only tourists but also students. So we are inviting many Korean students to study in the Philippines, and also we are inviting many qualified, talented Filipinos, in particular, university students to get scholarship," sabi ni Han.

Nanguna ang mga Koreano sa mga dayuhang bumisita sa bansa sa nakalipas na 10 taon, ayon kay Han.

Samantalang umabot sa kalahating milyon ang mga Pinoy na bumisita sa South Korea noong 2018.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lauren Young slams ‘Chinese-only’ restaurant in Subic

Lauren Young slams ‘Chinese-only’ restaurant in Subic

Lauren Young calls out ‘Chinese-only’ restaurant in Subic
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel