Viral! Friendship goals ng 2 binata, humantong sa mas malalim na brotherhood

Viral! Friendship goals ng 2 binata, humantong sa mas malalim na brotherhood

-Agad na nag-viral sa social media ang friendship goals ng magkaibigang Prince at Kort na 10 taon nang magkasangga

-At ang kanilang friendship humantong sa mas malalim na brotherhood at magkasabay na pumasok sa seminaryo

-Ngunit ayon sa kanila, bago sila humantong dito ay dumaan muna sila maraming kalokohan at pagsubok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mahigit 10 taon nang magkaibigan sila Prince at Kort na nagkakilala raw noon pang 2008.

Agad nag-viral ang kanilang friendship goals at kamakailan lang ay naitampok sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS).

Ayon sa panayam sa dalawa, inamin ng mga ito na marami nang pinagdaanan ang kanilang pagkakaibigan tulad ng iba.

Kwento ng dalawang binata, dati silang bad influence sa isa't-isa at parehong mahilig sa chics.

May mga pagkakataon din na nagagawa nilang mangdaya sa kanilang exams at inaaya pa ang kanilang mga matatalinong kaklase.

Ngunit ang isa daw na mas nagpatibay sa kanilang friendship ay ang pagdating ng isang babae sa kanilang buhay na pareho nilang nagustuhan.

Dahil magkaibigang matalik, nagkasundo daw sila na hindi popormahan ang dalaga ngunit si Kort, binali ang kanilang pangako.

'Di nagtagal, nalaman ito ni Prince at nagkaroon sila ng tampuhan na naayos rin naman nang kausapin ito ni Kort.

Mas naging close daw ang dalawa hanggang sa napagdesisyunan nila na sumali sa isang Christian youth group sa kanilang high school.

Ngunit tila mas lumala pa raw sila, si Kort nagkaroon ng bisyo habang si Prince naman ay nalulong sa computer games.

Madalas na rin daw silang mapa-trouble at mapatawag sa pirincipal's office.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang brother ang nagpabago sa kanila nang kausapin sila nito at simula noon, mas napalapit na sila sa Panginoon at iniwan ang mga bisyo.

At mula doon, sabay silang pumasok sa seminaryo kahit pa nga may pagtutol mula sa mga magulang ni Kort.

Pero ang kanilang katatagan, sinubukan din daw habang sila ay nasa loob nito. Nagkaroon si Kort ng pag-aatubili at pagdududa sa sarili.

Ang naging lakas na lang daw niya ay makitang kinakaya ito ng matalik na kaibigan na si Prince.

At sa kasalukuyan, walong taon nang ginagampanan ni Kort ang kanyang tungkulin bilang seminarista at naghihintay na lang na maging isang ganap na pari.

Habang si Prince ay nasa bakasyon sa labas ng simbahan at nagdesisyon nang hindi na babalik.

Dahil ang binata, na-inlove sa isang dalaga na ngayon ay nobya na niya.

Ganunpaman, magkaiba man ang tatahakin ng dalawa sa pagkakataong ito, nananatili daw ang kanilang pagmamahal para sa isa't-isa na nagturingan nang magkapatid.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel