Airport staff, pinaluhod at pinag-sorry ng 1 pasahero dahil sa delayed flight

Airport staff, pinaluhod at pinag-sorry ng 1 pasahero dahil sa delayed flight

-Viral ngayon sa social media ang isang lalaking pasahero matapos nitong ipahiya ang isang staff ng isang airport sa China

-Ayon sa mga naunang ulat, pinaluluhod umano ng lalaki ang staff at humingi ng tawad dahil sa delayed na flight nito

-Napag-alaman naman ng KAMI na delayed ang flight dahil sa masamang panahon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng pangbabatikos ang isang lalaking pasahero sa isang airline sa China dahil sa pamamahiya nito sa isang staff doon.

Ayon sa ulat ng The Paper, naghihintay ang mga pasahero ng West Air mula Zhengzhou papuntang Shenzhen.

Sa isang viral clip, makikita ang isang lalaki na galit na galit at dinuduro pa ang isang lalaking staff.

Ayon sa ulat, pinaluluhod umano ng pasahero ang staff dahil sa delayed na flight.

Makikitang nakipagsagutan ang staff na tumanggi sa demand ng pasahero at sinabing ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit tila nag-init lalo ang ulo ng lalaki at sinabing dapat daw na i-represent nito ang kanilang kompanya at ang pag-luhod ay pagpapakita umano ng sinseridad.

Base naman sa ulat ng Daily Mail, kinumpirma ng airline na mayroon ngang na-delay na flights ng araw na iyon dahil sa masamang panahon.

Ayon sa mga naunang ulat, nangyari ang insidente noong Sabado sa Zhengzhou Xinzheng International Airport sa Henan, China.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng asong nilalambing ang among umiiyak, viral

Video ng asong nilalambing ang among umiiyak, viral

Video ng asong nilalambing ang among umiiyak, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel