YouTube vlogger, makukulong dahil sa papapakain ng cookies na may palamang toothpaste sa pulubi

YouTube vlogger, makukulong dahil sa papapakain ng cookies na may palamang toothpaste sa pulubi

- Nabiktima ang isang pulubi sa prank video na ginawa ng Youtuber na si Kan-Hua Ren o mas kilala bilang ReSet

- Inabutan umano nito ng cookies na may palamang toothpast ang pulubi na napahiya sa nangyari

- Guilty ang YouTuber kaya naman nasentensyahan siya ng 15 buwang pagkakakulong at ban sa Youtube sa loob ng limang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Guilty" ang YouTuber na si Kan-Hua Ren o mas kilala bilang sa ReSet dahil sa pamamahiyang nagawa nito sa isang pulubi noong 2017.

Ayon sa Rappler, nasintensyahan ng 15 buwan na pagkakakulong, limang taong ban sa YouTube at pinagbabayad pa ito ng 20,000 euros o tinatayang nasa mahigit isang milyong piso.

Mayo 31 nang inilabas ang desisyong ito ng korte.

Lahat nang ito ay dahil lamang sa pagpapakain niya cookies na pinalamanan niya ng toothpaste sa isang pulubi bilang bahagi ng prank video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa raw itong "challenge" ng isa sa kanyang mga follower kaya naman ginawa niya ito.

Matapos naman daw ibigay ni ReSet ang cookies, binigyan niya ng 20 euros ang pulubi o katumbas ng mahigit 1,000 pesos.

"Maybe I went a little far, but let's look at the positive side, it will help him clean his teeth, I don't think he has often brushed his teeth since he became poor," pahayag ni ReSet.

Isa si Ren sa 200 na mga ma-impluwensiyang YouTuber sa Spain.

Nasa 1.2 million subscribers si Ren sa kanyang YouTube channel.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay caregiver at nobyo, inaresto dahil sa ginawa nila sa matandang pasyente

Pinay caregiver at nobyo, inaresto dahil sa ginawa nila sa matandang pasyente

Pinay caregiver at nobyo, inaresto dahil sa ginawa nila sa matandang pasyente
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel