Pinoy teenager, malaki ang posibilidad na maging pinakabagong santo

Pinoy teenager, malaki ang posibilidad na maging pinakabagong santo

- Tinaguriang "servant of God" ang Pinoy teenager na si Darwin Ramos

- Sa kabila kasi ng hirap sa buhay at naging karamdaman, hindi pa rin siya tumigil sa pagtulong sa kapwa niya bata

- Pumanaw si Darwin taong 2012 sa edad na 17 sa sakit na Duchenne muscular dystrophy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa proseso na ng malalimang pagsisiyasat ang buhay ng Pinoy teenager na si Darwin Ramos sa pagiging susunod na santo.

Ayon sa GMA news, Marso 29 nang i-deklara ng Vatican si Darwin na "servant of God."

Ito ay sinagawa ng Prefect of the Congregation for the Causes of Saints Cardinal Angelo Becciu, kung saan isa na itong unang hakbang sa pagiging santo nii Darwin.

Ang paghahanda para sa proseso ng Cubao Diocesan Tribunal ay gagawin ng isang postulator na si Fr. Thomas de Gabory, isang French Dominican.

Samantala, ayon naman sa CBCP, si Bishop Honesto Ongtioco ng Cubao ay sinimulan na ang cause of canonization ni Darwin sa kahilingan ng The Friends of Darwin Ramos Association.

Ayon kay bishop Ongtioco, nabigyan na rin sila ng go signal ng Vatican na pag-aralan pang mabuti ang buhay ni Darwin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“The Vatican has given us the go signal to go deeper in his life how he lived his faith and how he gave witness to Jesus to whom he was very close,” pahayag ng obispo.

Tubong Pasay si Darwin na namuhay sa pangangalakal upag makatulong na rin sa kanyang pamilya.

Sa kasamaang palad, dinapuan siya ng sakit na tinatawag na Duchenne muscular dystrophy. Ito ang naging dahilan upang siya ay unting-unti nang nanghina hanggang sa di na makagalaw.

Ngunit sa kabila ng kakaibang karamdaman, di ito naging hadlang upang makatulong sa kapwa niya kabataan.

Habang siya ang nanghihina at tuluyan nang nilalamon ng sakit, mas lalo raw naging matatag ang koneksyon niya at pananampalataya kay Hesus.

Taong 2012, nasabing malubha na ang lagay ni Darwin ngunit nanatili itong positibo at patuloy na nagpapasalamat sa mga nag-intindi at tumulong sa kanya.Setyembre ng parehong taon, pumanaw siya sa edad na 17.

Marami ang nagdarasal para kay Darwin na kinakitaan naman daw talaga ng katangian ng pagiging Santo noong siya ay nabubuhay pa lamang kahit sa maiksing panahon lamang.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Zia Dantes gets trained in taekwondo by Baron Geisler’s brother

Zia Dantes gets trained in taekwondo by Baron Geisler’s brother

Zia Dantes gets trained in taekwondo by Baron Geisler’s brother
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel