Ilang guro sa Cavite, nagtiyagang gawing faculty room ang sirang CR ng paaralan

Ilang guro sa Cavite, nagtiyagang gawing faculty room ang sirang CR ng paaralan

- Binahagi ng isang guro sa Cavite ang kalagayan nila sa paaralan

- Sa kakulangan ng mga silid, ginawa na lamang niang faculty room ang isang sirang palikuran para lamang sila ay may mapagpahingahan at mapaglagyan ng kanilang mga gamit

- Maraming netizens ang nahabag sa kalagayan ng mga guro na ito lalo pa nang malamang sila pa ang gumastos para lamang umayos ang itsura ng silid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang post ng mga gurong namamalagi sa palikuran o comfort room ng paaralan na ginawa nilang faculty room.

Binahagi ng gurong si Maricel Herrera ang kanilang kalagayan sa isang paaralan sa Cavite. Napagdesisyunan kasi nilang ipaayos ang palikuran ng paaralan para lamang mayroon silang mapuntahan pagkatapos ng kanilang klase.

Ayon pa sa post, ito na rin ang magsisilbing pahingahan nila kapag may bakante silang oras sa klase.

Mahalaga raw kasi sa mga guro ang mayroong faculty room dahil dito rin nila nailalagay ang iba nilang gamit lalo na kung hindi naman sila adviser.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa panayam kay Maricel ng ABS-CBN, napag-alamang ang paaralang tinutukoy ay ang Bacoor National High School.

11 na mga guro ang magkakasama sa silid na ito at masasabi nilang talagang di sila kakasya rito dahil mayroon pa silang mga gamit.

Dahil dito, karamihan ng mga nakakita ng post ay nahabag at naawa sa sitwasyon ng mga gurong pawang mga propesyunal.

Hiling din ng karamihan na matulungan ang mga guro lalo pa at sila pa ang dumukot sa kani-kanilang mga bulsa ng pampaayos ng lugar kahit matagal na silang sumisigaw ng kakulangan sa kanilang sahod.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Ion Perez finally discloses real score between him and Vice Ganda

Ion Perez finally discloses real score between him and Vice Ganda

Ion Perez finally reveals real score between him and Vice Ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel