Dating guro, nangambang 'di makuha ang educational plan ng anak

Dating guro, nangambang 'di makuha ang educational plan ng anak

-Pinangambahan ng isang retirading guro na hindi nila ma-claim ang educational plan para sa kanyang anak

-Napag-alaman naman na nag-mature na pala ang educational plan nito

-Nangako naman ang Insurance Commission na tutulungan ang ginang na makuha ang pinaghirapan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matagal pinaghirapan at hinulugan ng retiradong guro na si Lydia Ortiz ang educational plan ng kanyang anak.

Ngunit nangamba ang ginang na hindi ito makuha dahil nag-mature na ito noon pang 2018.

Sa tulong programang Tapat Na Po ng ABS-CBN News, idinulog nito ang problema ni aling Lydia sa Insurance Commission.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito, napag-alamang hindi awtomatikong nakukuha ang mga benepisyo ng mga nag-mature na insurance tulad ng educational plan na hinulugan ni aling Lydia.

Ayon sa tagapagsalita ng IC na si Atty. Joan Castro, mayroong mga dokumentong dapat na i-submit ang isang miyembro upang makatiyak na ang beneficiary ang makikinabang dito.

Nangako rin ang IC na tutulungan ang dating guro na makuha niya ang nararapat para sa kanyang anak.

Samantalang ang Insurance Company naman ay nangakong ibibigay kaagad ang benepisyo kapag nakapag-submit na si aling Lydia ng mga kailangang dokumento.

Ayon sa programa, nakapagpasa na ito ng mga dokumento.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Titser, pinasan ang estudyanteng may sugat at lumusong sa baha

Titser, pinasan ang estudyanteng may sugat at lumusong sa baha

Titser, lumusong sa baha na pasan ang estudyanteng may sugat
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel