PH manufacturer ng mga processed meat, umalma sa FDA

PH manufacturer ng mga processed meat, umalma sa FDA

-Nais ng ilang manufacturer ng mga processed meat sa bansa na linawin ng FDA ang naging pahayg nito kaugnay sa pag-ban sa mga meat products

-Matatandaang naglabas ng utos ang ahensiya na ipinagbabawal ang ilang produkto sa merkado matapos ang pagkalat ng swine fever sa ibang bansa

-Ang ilang bansa na apektado nito, nagsimula nang piliin at katayin ang mga infected na baboy sa kanilang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi raw makatwiran ang naging statement ng Food and Drug Administration (FDA) tungkol sa pagbabawal sa pag-angkat at pagbebenta ng mga processed meat sa bansa ayon sa mga manufacturer nito.

Dapat daw linawin ng ahensiya ang mga brand ng produkto na banned sa bansa.

"It's a general statement na irerecall, iwi-withdraw, wala silang sinasabi na kung ano 'yung brands o kung ano 'yung canned products na gusto nila i-withdraw,"

Ito ang naging pahayag ni Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) president Felix Tiukinhoy ayon sa isang statement ng grupo.

Ayon kay Tiukinhoy, ligtas kainin ang mga produktong gawa sa bansa.

"It's not fair for us just to make those statements. To me it's irresponsible," sabi pa ni Tiukinhoy.

Anito, lahat ng de latang pagkain na ginawa sa Pilipinas ay mula sa mga lokal na merkado.

Ang ilang miyembro naman nila ay umaangkat naman sa mga bansang hindi apektado ng African Swine Fever.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"We import from States, Canada, and some countries in Europe but all of these countries have no African Swine Fever," anito sa panayam ng ABS-CBN News.

"We don't have enough supply coming from our local producers at ang (and the) local producers cannot give the specs (specifications) we want.

"They are good for the local market for the table market but as far as the food processors kasi we import with the specifications that we want," dagdag pa nito.

Ayon sa ilang report, ang mga bansang apektado ng African swine fever ay dini-dispose na ang mga apektadong baboy sa kanilang bayan.

Ilang milyong baboy na ang pinatay sa mga bansang ito upang mapuksa ang kumakalat na disease.

Ipinagbabawal na ng mga awtoridad ang pag-angkat ng mga produktong gawa sa baboy sa mga bansang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, and Ukraine, Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, at Belgium.

Sa isang ulat ng KAMI, isa ang Ma Ling sa mga naiulat ng FDA na ipinagbabawal munag kainin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo sa socmed

Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo sa socmed

Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel