Dalawang pulis na bukod tanging tumulong sa babaeng nasiraan ng tricycle, viral

Dalawang pulis na bukod tanging tumulong sa babaeng nasiraan ng tricycle, viral

- Laking pasalamat ng babaeng school principal nang tinulungan ito ng dalawang pulis

- Minamaneho ng punungguro ang tricycle na sumadsad sa gilid ng kalsada ae bahagya siyang naksidente

- Hinangaan ng netizens ang mga pulis na di nagdalawang isip na tumulong sa taong nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang pagtulong ng dalawang pulis sa isang babaeng bahagyang naaksidente nang sumadsad ang gulong ng tricycle nito sa gilid ng kalsada.

Ayon sa Hanep TV, napag-alamang school principal pala ang babae na di naman nasaktan sa insidente.

Nakita siya ng dalawang pulis na napadaan sa lugar at agad ang mga itong lumapit at tumulong sa punungguro.

Laking pasasalamat daw ng punungguro sa mga pulis dahil sa dinami-rami ng dumaan sa lugar, ang mga ito ang di nagdalawang isip na lumapit at tulungan siya.

Makikita sa larawan na ang mga pulis din mismo ang nagkukumpuni at nag-aayos ng sumadsad na tricycle ni ma'am.

Kaya naman, umani ng papuri ang mga pulis na nakilalang sina SPO3 Tabelisma at SPO1 Tablarin ng San Clemente, Tarlac.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang komento ng ilan mga netizens:

"God bless po mga sir. Sana po marami pa ang katulad nyo. More power po"
"sana lahat ng pulis ganyan at pamarisan sila ng mga tiwaling pulis para masugpo na mga drug problems at kriminalidad sa bansa natin, matauhan na sana mga masasamang pulis"
"Sana lhat ng pulis ay katulad nio at ang maganda gawa ay pamarisan nila.saludo po aq snyong dlawa God bless po"
"Eto ang magandang ehemplo s mga tao ibalik ang tiwala s mga tulad nilang tunay tao mabuhay kyo mga Sgt."
"good job po may mga pulis pa lang ganyang kagandahang loob ngayon saludo po aq sa inyo na sana marami pa po kyo m22longan"
"Gling nyo nman Ser.sana lahat ng pulis katulad nyo....saludo ako sa inyong dalawa Ser..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel