Inang nakikipaglaban sa cancer, sumipot pa rin sa graduation ng anak

Inang nakikipaglaban sa cancer, sumipot pa rin sa graduation ng anak

- Emosyonal ang anak nang nagawa pa ring sumipot ng ina sa kanyang pagtatapos sa kabila ng pakikipaglaban nito sa cancer

- Makikita sa video at larawan sa tweet ni Ace kung gaano kasaya at ka-proud ang kanyang ina sa kanya

- Marami ang humanga sa katatagan nilang mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang mga tweet ng Twitter user na si @acebxlo kung saan makikita ang inang may cancer na masiglang dumalo sa kanyang pagtatapos.

Sa video kung saan tinanggap ni Ace ang kanyang medalya dahila nagtapos siya ng with honors, masiglang sinamahan siya ng ina.

Ito na tin ang nagsabit ng medalya kay Ace kaya naman di nito naiswasang maging emosyonal.

Kwento pa ni Ace, nagpakalbo talaga siya ng buhok para damayan ang inang sumasailalim sa chemotherapy.

Ilang buwan kasi ang nakalilipas nang ma-ospital ang kanyang ina at nakapagbitaw pa ito ng salita na maaring di ito makadalo ng pagtatapos ni Ace.

“Lumaban ka! sa Mayo aakyat ka pa sa stage at sasabitan mo ako ng medal” ang sagot ni Ace, at nakadalo nga ang ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Proud si Ace sa tapang na pinakita ng kanyang ina sa araw-araw nitong pakikipaglaban sa kanyang karamdaman.

Dagdag pa ng anak, namana niya ito sa kanyang ina gayundin ang kanyang karisma at talino pati na rin ang pagiging matatatag.

Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa mag-inang litaw na litaw ang pagmamahal sa isa't isa.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens at maging sila rin ay di napigilang maging emosyonal:

"I love your mom's style! Aaa God bless her. She's such a fighter. She's lucky to have you, too."
"You know what my mom’s not sick and I as his son can never handle that. So I am so so proud of you and your mom. I am praying for the both of you. You just earned a follower"
"You are both a fighter. God bless sainyo, Ace! Kaya nyo to!"
"i love you so much you beautiful human i will always be proud of you!"
"You're as strong as your mother"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Jinkee Pacquiao shares new glimpses of her luxurious mansion in Makati

Jinkee Pacquiao shares new glimpses of her luxurious mansion in Makati

Jinkee Pacquiao shares new glimpses of her luxurious mansion in Makati
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel