Single mom, karga ang anak nang magtapos sa Harvard Law School

Single mom, karga ang anak nang magtapos sa Harvard Law School

- Nag-viral ang kwento ng single mother na nagtapos sa Harvard Law School

- Makikita sa kanyang larawan kung gaano siya kasaya sa araw ng pagtatapos habang karay ang kanyang anak

- Magna cumlaude pa siya nang magtapos sa Saint John’s University at ngayon ay nakuha naman ang Juris doctor degree sa Harvard University

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal ang 24 anyos na single mother na si Briana Williams habang karga ang isang taong gulang niyang anak na si Evelyn nang magtapos siya sa Harvard Law School.

Sa ulat Niña V. Guno ng Inquirer lifestyle, nilahad ang kwento ng tagumpay ni Briana sa kanyang pagkamit ng tagumpay.

Di lamang sa araw ng pagtatapos niya kasama ang anak kungdi maging sa kanyang klase sa prestihiyosong unibersidad sa buong mundo.

Sulit naman ang lahat ng kanyang sakripisyo nang makamit na niya ang Juris Doctor degree.

Magna cumlaude rin si Briana sa Saint John’s University kung saan niya kinuha ang Legal Studies.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nilarawan niya ang kanyang sarili bilang “small town girl from the Atlanta” kaya naman nang pumasok siya sa Harvard, nakaramdam siya ng takot.

Naging kalaban din niya noon ang oras lalo pa at nagtatrabaho pa siya noon bilang isang waitress.

Kwento pa ni Briana, naranasan ng kanyang sanggol na maiwan sa Dean of Students’ office habang siya ay nasa klase o di kaya, katabi niya talaga ito habang ito ay nasa stroller.

Ngunit, dahil sa pagiging likas na "book-smart" at "street-smart" niya, napagtagumpayan niya ang lahat ng naging pagsubok niya sa pagkamit ng kanyang pangarap.

At ngayong nakatapos na si Briana, pasok na siya sa isa sa mga bigating law firms sa Los Angeles.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda, sumigaw at napasugod sa stage dahil sa takot

Vice Ganda, sumigaw at napasugod sa stage dahil sa takot

Vice Ganda, sumigaw at napasugod sa stage dahil sa sobrang takot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel