Kauna-unahang transgender cop, napagtagumpayan ang "pahirap" sa academy

Kauna-unahang transgender cop, napagtagumpayan ang "pahirap" sa academy

- Kinilala si Police Senior Inspector Rene Balmaceda bilang kauna-unahang transgender policewoman ng Philippine National Police

- Di biro ang kayang mga pinagdaanan pag-aaral lalo pa na litaw na ang kagustuhan niyang maging babae

- Napatunayan niyang di lang para sa mga tunay na lalaking brusko at maangas o mga 'tomboy' ang pagsisilbi sa bayan bilang isang pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing kahanga-hanga ang pinagdaanan ng pinaka-unang transgender policewoman na si Police Senior Inspector Rene Balmaceda.

Ayon sa panayam sa kanya ng Rappler, talagang di naging madali ang pagsasakatuparan ng pangarap niyang maging isang pulis.

Noon pa man kasi ay pusong babae na si Rene at noon pa man ay nakaranas na siya ng pangungutya dahil dito.

Una niyang kinuha ang dentistry at bago pa man siya kumuha ng board exam para rito, ang kapatid niyang babae ang nag-fill up ng form para kay Rene upang makapasok ito sa Philippine National Police Academy.

Nakapasa naman si Rene ngunit di niya alam na ito na pala ang magiging simula ng kalbaryo niya sa kanyang pagkatao para lamang makamit ang kanyang pinapangarap na maging isang pulis.

Wala naman siyang naging problema sa pag-aaral ngunit sadyang naging mahirap para sa kanya ang mga drill at mga parusa sa kanya ng mga upperclassmen nila.

Kauna-unahang transgender cop, napagtagumpayan ang "pahirap" sa academy

source: Rappler/ PSI Balmaceda
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa sa mga ito ay nakausap din ng Rappler at umaming sinasadya nilang pahirapan si Balmaceda upang subukin ang kanyang katatagan.

Ngunit di basta-basta sumuko si Rene at pinatunayan niyang ang pagiging pulis ay di lamang para sa mga tunay na lalaking brusko o mga babaeng 'tomboy', ito ay para rin sa gaya niyang pusong babae na handa pa ring maglingkod sa bansa.

Dagdag pa ng di nagpakilalang senior ni Balmaceda, determinado raw ito kaya naman nakuha niya ang respeto ng bawat isa lalo na nang siya ay makapagtapos noong taong 2001.

Ngayon, si Police Senior Inspector Balmaceda na ang pinuno ng dministration office of the Quezon City police Criminal Investigation and Detection Unit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel