Manager na sinabuyan ng softdrinks ng customer, hinangaan ng netizens

Manager na sinabuyan ng softdrinks ng customer, hinangaan ng netizens

- Viral ngayon ang post ng isang manager ng fast food chain na binuhusan ng softdrinks ng di umano'y kanyang customer

- Ginawa raw sa kanya ito dahil sa di siya nagbigay ng straw dahil sila ay strawless

- Hinangaan ng netizens ang manager sa pagiging matapat nito at pinandigan ang patakaran ng kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin ngayon sa social media ang post ng isa umanong manager ng fast food chain na naranasang mabuhusan ng softdrinks ng kanyang customer.

Ayon sa post ni Imee Joy Urgelles isang manager ng Jollibee, nagpumilit daw manghingi ng straw ang customer at nang wala siyang maibigay dahil sa patakarang "straw less" ang store, bigla na lamang siya nitong binuhusan ng softdrinks.

Pinaliwanag naman daw ng manager ang patakaran ngunit nagawa pa rin daw siyang buhusan ng inumin ng customer.

Isa kasi ang patakaran ng pagiging "straw less" ng isang restaurant sa mga paraan para makabawas ng plastic sa ating kapaligiran.

Marami-rami na ring mga lugar at establisimiyento ang nagpapatupad nito.

Kaya naman saludo raw ang manager sa mga customers na nakauunawa ng polisiyang ito at di na nagpupumilit ng gusto nila.

Sa pagtatapos ng post ni Imee, nabanggit niyang nanay pa naman niya ang nagplantsa ng kanyang uniporme. Tuloy pa rin daw ang duty niya nang araw na iyon matapos ang insidente.

Dahil dito, hinangaan ng mga netizens ang ginawa ng manager at magsilbing aral na rin daw ang pangyayaring ito sa iba.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ano karapatan nyang gawin yAn"
"Anak baka hindi alam ang ibig sabihin ng straw less? Naryan pa ba at makutusan...gigil si ako...anak ko pa ang ginanon ah..wala siguro silang subject sa school na GMRC"
"Gigil ako maam ah... kaka asar ganyan customer. Hindi ginamit yung pinag aralan"
"Ay madam kung ako yan baka last day ko na, tangahin yung mga ganyang customer nakalagay ng strawless hihingi pa"
"Good job, Ma'am"
"Very good c manager! Keep calm always, dahil jan bka mgka franchise ka ng jollibee"
"Nakakahiya naman yung nagbuhos sayo parang di edukado or edukado nga ba? Strawless? Baka di nauunawaan hahaha"
"Mam okay lang yon, tuloy ang laban.. Tayo ay sumusunod lang.. Yong customer na yon ang nakakahiya nakapa unprofessional."

Umabot na sa 99,000 reactions ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel