Ina at kapitbahay na tumangay ng 7-anyos dahil sa utang, nagsapakan sa harap ni Idol Raffy

Ina at kapitbahay na tumangay ng 7-anyos dahil sa utang, nagsapakan sa harap ni Idol Raffy

- Isinurrender ng kapitbahay kay Idol Raffy ang 7-anyos na tinangay niya dahil sa utang

- Ipinaalam ng action center sa ina na nasa kanila na ang kanyang anak at inimbitahan para makaharap ang kapitbahay

- Di napigilan ng ina ang emosyon at sinapak ang kumuha sa anak sa harap mismo ni Idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isinurrender ni sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action ni Ma. Nelly Villagracia ang 7-anyos na si "Glydelyn" na kanyang na anak ni Adelfa Obias, 44.

Nalaman ng KAMI na ang 7-anyos ay anak ng kapitbahay na nagkautang umano sa kanya. Ito na rin ang pamamaraan daw ng paghihiganti niya.

Nang malaman ng action center na ang bata ay ilang linggo nang hinahanap ng magulang, agad nilang pinaalam sa magulang at inimbitahan sa action center upang makaharap si Nelly.

Nang malaman ni Adelfa na nandoon nga mismo ang anak niya , ito'y bumigay at halos mawalan ng ulirat.

Sabi ni Aling Nelly inalagaan naman daw niya ang bata at hindi pinabayaan.

Nang tanungin ni Idol Raffy ang bata, kuwento niya ay inuuto raw siya ni Aling Nelly.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinasabihan daw siya na susunduin nila ang apo ni Nelly at kung saan-saan siya dinadala.

Dahil dito nagdesisyon si Idol na sasampahan na si Nelly ng kaso dahil sa pagkidnap kay Glydelyn.

Nang magkalapitan sina Aling Adelfa at Aling Nelly, di nila naiwasang magsapakan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Exclusive Interview: Madam Kilay's New Afam | HumanMeter Watch it here

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel