Nilokong ex, gumanti sa kanyang ex-GF makalipas ang 2 taon sa araw ng kasal nito

Nilokong ex, gumanti sa kanyang ex-GF makalipas ang 2 taon sa araw ng kasal nito

-Sinamantala at niloko, ito ang ginawa sa isang lalaki ng kanyang minamahal na nobya

-Sa kabila ng pagbibigay niya sa mga pangangailangan at pagpapatira sa kanyang condo dito ay nagawa pa siya nitong pagtaksilan

-Ngunit ang lahat ng ito, ay may kapalit makalipas ang dalawang taon sa araw mismo ng kasal nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pangloloko ang naging kapalit ng pagmamahal ng lalaking si Dino mula sa kanyang minahal na nobya sa kabila ng kanyang pagiging mapagtiwala rito.

Mula sa isang artikulo ng Bride Blush, ibinahagi ang istorya ng pag-ibig ni Dino, isang oil rig worker.

Ayon sa isang malapit na kaibigan at katrabaho ni Dino, napakaganda ng nobya ni Dino at kung pagbabasehan ang panglabas na anyo ay alangan ang binatang si Dino dito.

Ordinaryo at simple lamang si Dino ngunit alam ng marami kung gaano ito ka-ismarte.

Magaling humawak ng pera ang lalaki at agad na nakapag-invest ng isang cindominium unit na binayaran pa raw nito ng cash.

Nang makilala at maging karelasyon ang nobya ay hinayaan niyang tumira ito doon at binigyan pa ito ng card para sa pangangailangan nito.

Ngunit hindi nagtagal ay unti-unti nang lumabas ang tunay na kulay ng dalaga. Nadiskubre ni Dino ang pagwawaldas ng nobya.

Ayon pa sa isang kaibigan nito, mayroon na silang napansin mula sa nobya ni Dino at isa na rito ang pagiging mapag-manipula.

Nagkaroon na ng hinala si Dino dahil dito dahil na rin sa mga gastos nito na ipinagtaka nito ng labis.

Nagkaroon na rin ito ng hinala na pinagtataksilan siya ng nobya lalo pa at madalas silang magkalayo.

Kaya naman naisip niyang surpresahin ito nang bigla siyang umuwi. Tinawagan rin niya ang security ng condo building upang i-check ito.

At hindi nga siya nagkamali nang maabutan itong may kasamang ibang lalaki sa loob ng kanyang condo.

Ganunpaman, nanatili siyang kalmado. Mahinahon niyang pinalabas ang lalaki maging ang kanyang nobya.

Binigyan niya pa ito ng pamasahe para umalis ngunit nanatili itong nagmamakaawa sa kanya ngunit agad niya itong tinanggihan na labis nitong ikinagalit.

Ilang beses pa raw siya nitong tinawagn ngunit hindi niya sinagot kailanman. Ang mga gamit nito ay dinala na lamang niya sa storage.

Nang malaman ito ng babae ay lubha itong nagalit at naisip na gumanti.

Sa labis na pagkagulat ni Dino, nang muli siyang magbakasyon sa trabaho, nadiskubre niya ang isa sa kanyang yaman at pinakaiingatang Chevy Monte Carlo ay wasak!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Flat ang apat na gulong, basag ang windshield at may pulang pintura na ibinuhos rito.

Labis na nagalit si Dino dahil dito at wala siyang ibang alam na gagawa nito kung hindi ang dating nobya.

Hindi ito nakalimutan ng lalaki kaya naman nang malamang ikakasal na ang dating nobya ay gumawa siya ng paraan upang malaman ang detalye nito.

Mula sa kapatid ng kanyang matalik na kaibigan na nagkataong kaibigan din ng ex nito, nalaman niya ang ilang impormasyon.

Nagpadala siya ng liham sa dalaga na naglalaman ng mga litrato ng isang Monte Carlo, wedding dress at isang ketchup packet. Mayroon pang maliit na papel na nakalagay ang mga salitang "Red on White".

Dahil dito, napraning ang babae na may sisira sa kanyang kasal at alam niyang si Dino ito.

Lalo na nang padalhan siya ng ilang piraso ng mga lipstick na hindi naman niya na-trace.

Mas lalo itong na-praning kaya naman nag-demand ito na alisin sa menu ng kasal nito ang pasta at lahat ng kamatis.

Hanggang sa sumapit ang kasal nito ay praning na praning ang babae. Sinabihan niya ang caterer na alisin lahat ng pulang bulaklak at huwag palapitin sa kanya ang mga guests na may hawak ng red na inumin.

Nagmukha itong katawa-tawa sa harap ng maraming tao at nadiskubre pa ng mga ito kung gaano siya ka-makasarili.

Kahit ang kanyang ama ay nagalit sa kanya nang malaman nito mula kay Dino ang kanyang ginawa sa dating nobyo.

Sa huli, talunan pa rin ang babae kahit pa nga hindi naman binalak ni Dino na gawin ang iniisip nito.

Nilokong ex, gumanti sa kanyang ex-GF makalipas ang 2 taon sa araw ng kasal nito

Photo source: Flickr / photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel