Abogado, ibinahagi ang masalimuot na pinagdaanan bago nakamit ang tagumpay

Abogado, ibinahagi ang masalimuot na pinagdaanan bago nakamit ang tagumpay

-Hindi naging madali para sa abogadong si Christian Jay Millena ang daan patungo sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon

-Kasali na rito ang mamatayan ng tatlong minamahal sa buhay sa gitna ng mga pagsubok bilang isang law student

-Nagpapasalamat naman ang binata sa mga taong nagbigay ng tulong sa kanya na naging daan rin para maipagpatuloy niya ang pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi biro ang tinahak na daan ng abogadong si Christian Jay Millena, 30-anyos, bago nakamit ang kanyang tinatamasang tagumpay.

Sa isang artikulo ng Rappler kung saan naitampok ang istorya ni Millena, napag-alaman ng KAMI na nagpapalit-palit ng trabaho ang binata sa gitna ng pagiging law student.

Ang kanyang istorya nag-viral matapos ang kanyang mga Twitter post.

Bata pa lamang daw si Millena ay nangarap na siyang maging isang abogado. Nagtapos siya sa kolehiyo at nakuha ang kanyang lisensiya noong 2009.

Tubong Daraga, Albay, nagdesisyon siyang lumuwas ng Maynila upang ipursige ang pangarap na maging isang abogado pagkatapos niya sa kolehiyo.

Nagtrabaho bilang isang guro noong una si Millena bago lumipat sa isang business process outsourcing (BPO) para may maipangtustos sa kanyang sarili at pamilya.

Taong 2012 nang makapasa siya sa entrance exam sa University of the Philippines (UP) College of law.

Bagamat alam niyang kailangan niyang mag-ipon para sa kanyang pag-aaral, isang pagsubok na agad ang kanyang natanggap nang pinag-bitiw siya ng kanyang amo nang malaman nito ang kanyang plano.

“I was so devastated that time because I needed the job to pursue law. But I understood my employer. My job required a lot of fieldwork, and law school would prevent me from performing well at work,” anito sa panayam dito ng Rappler.

Para maipagpatuloy ang pag-aaral sa UP kinailangan niyang mangutang sa mga kaibigan para makapagbayad ng tuition fee at reservation slot.

“During my first semester...I didn’t have books or codals. All I had was this old Revised Penal Code and Civil Code that I borrowed from a cousin who also studied law years ago. It was difficult keeping up with my classes because I couldn’t study since I really didn’t have materials to read,” anito.

Sa ikalawang semester naman, kahit pa nagkaroon siya ng trabaho muli bilang isang content editor, hindi pa rin ito sumapat para sa kayang mga pangangailangan.

Nakapag-enroll lamang siya dahil sa loan program ng UP.

Naisip pa daw ng binata na mag-file ng leave of absence upang makapag-ipon pa, nang sa ganun ay mabayaran niya ang kanyang nautang sa kanyang ikalawang taon sa law school.

Sa kabutihang-palad, isa sa mga propesor niya ang tumawag at sinabing babayaran nito ang kanyang balanseng P25,000 upang makapag-loan muli para makapag-enroll.

“On the last day of enrollment, my professor called and told me she’d pay for my loan so I could enroll.... I got a 2.5 in her class, so it wasn’t like I was a really deserving student. But she insisted on paying for my loan, and since I also wanted law school so bad, I accepted her offer,”

Nang nasa ikatlong taon naman siya sa law student, nag-ambag-ambag ang kanyang mga kaklase para sa kanyang tuition fee.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taong 2013 nang matanggap naman siya bilang executive assistant sa isa niyang kaibigan sa isang ahensiya ng gobyerno. At makalipas ang isang taon ay lumipat naman siya sa isang non-governmental organization.

Taong 2014 nang mamatay ang isa niyang kapatid na mayroong diabetes matapos idaing ang sobrang pananakit ng tiyan.

Makalipas ang isang taon, ang isa naman niyang kapatid na babae na 13-anyos ang isinugod sa ospital dahil sa sakit sa bato.

"Dahil may guilt feelings pa rin ako na hindi ko naabutang buhay ang isa kong kapatid sa ospital noong 2014, ipinangako ko noon na hindi ko iiwan ang isa ko pang kapatid na nag-aagaw-buhay sa ospital,” kwento ni Millena.

Inisip na raw niyang mag-resign sa trabaho noon ngunit hindi niya ginawa dahil sa responsibilidad niya sa pamilya at para sa pagpapagamot ng kapatid.

Taong 2015, nagbitiw siya para makapag-focus sa pag-aaral at makalipas naman ang dalawang taon ay natanggap siya sa House of Representatives.

Sa kabila nito, madalas pa rin siyang umuuwi sa Albay upang tignan ang kalagayan ng kapatid.

Dahil dito, madalas na siyang lumiban sa klase. Hindi rin siya humingi ng special exams.

Nang makitang bumubuti na ang lagay ng kapatid ay napagdesisyunan niyang bumalik na sa Maynila.

Ngunit 'di nagtagal, nakatanggap siya ng mensahe na pumanaw na ang kanyang kapatid.

“Lubhang napakasaklap lalo’t hindi ko man lang naipagluksa ang pagkamatay ng kapatid ko, pero salamat na rin at nakaraos kahit papano,” kwento ni Millena.

Nagkaroon rin siya ng malaking pagkakautang dahil sa pagpapagamot ng kapatid ngunit laking-pasalamat niya sa mga taong tumulong sa kanya.

Ipinagpatuloy ni Millena ang pag-aaral sa kabila ng pait na nararamdaman at muling nakakuha ng trabaho.

Sa kanyang ikaapat na taon sa law school, alam ni Millena kung gaano kasabik ang kanyang ama na makapagtapos siya at maging isang ganap na abogado.

Ngunit isang taon bago ang kanyang graduation, pumanaw ang kanyang tatay dahil sa sakit.

Natagpuan niya ang sarili na parang nais na niyang bumitaw noong siya ay nasa ikalimang taon na.

Ngunit isang propesor daw niya ang nag-akusa sa kanya na ginagamit niya ang pagkamatay ng kanyang tatay at mga kapatid para takasan ang law school.

Dahil dito, muling bumangon si Millena at ipinagpatuloy ang kanyang natitirang taon para makamit ang pangarap.

“There were several times I almost gave up. But every time I thought about it, I think of my youngest sister...."

"Every time something happens, there’s always something worse that follows. But at the same time, I realize that if I made it through the previous trial, there’s no reason I can’t make it through the next,”

Bagamat hindi nakapasa noong una niyang pagsubok sa bar exam dahil sa mas binigyan niya ng pansin ang kanyang trabaho para sa pagpapa-renovate ng kanilang bahay na pangrap ng kanyang ama, muli itong sumubok noong 2018 at nagtagumpay.

“I always think that there’s always someone who’s going through [something] worse than I am, so what right do I have to complain?” sabi nito.

Iniisip pa rin daw ng binata ang kanyang gagawin sa hianharap ngayong siya ay isa nang ganap ng abogado.

"I think I’ll eventually try litigation. But one thing is for sure, I’ll give back to the country and pay my dues,” sabi ni Millena.

Sa isang artikulo ng KAMI, maihahalintulad din ang istorya ni Millena sa isang babaeng abogada na dumanas din ng matinding pagsubok sa buhay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp

Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp

Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel