Nakakatunaw ng pusong mensahe ng nobyo sa yumaong kasintahan, viral

Nakakatunaw ng pusong mensahe ng nobyo sa yumaong kasintahan, viral

- Viral ngayon ang emosyonal na mensahe ni Kyan Prudente kanyang kasintahang nagkaroon ng malubhang karamdaman at kalaunan ay yumao na

- Ito raw ang ebidensya na mayroong "true love" dahil sa huling sandali ng nobya ay pinuno pa rin niya ito ng pagmamahal

- Maraming netizens ang naantig ang puso sa mensahe ng lalaki sa nobya na di na niya makakasama pang muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang nakakaantig na mensahe ng lalaking si Kyan Prudente para sa kanyang nobya na yumao na.

Maraming netizens ang naging emosyonal nang magpasalamat si Kyan sa nobyang lumaban sa karamdaman nitong siya rin pa lang kikitil sa kanyang buhay.

Sa post na binahagi rin ng Philippine trends and news, nagpasalamat pa rin ang nobya na sa loob ng nasa apat na taon at dalawang buwan nilang pagsasama, labis silang napamahal sa isa't isa maging ang kanilang mga pamilya.

Masakit man daw kay Kyan ngunit dapat na lamang nilang tanggapin ang kinahinatnan ng nobyang si Krystine Joy Piosca.

Ang masaklap pa sa pangyayari, debut na sana ng babae sa Oktubre at di manlang daw niya ito inabot.

Makikita sa larawan na nagawa pang hagkan ng nobya ang kasintahang tila hirap na sa kanyang kalagayan.

Naantig pa lalo ang mga netizens sa pahayag ng lalaki na "ang hirap lng talagang tanggapin na yung taong naging mundo mo na eh magiging anghel mo na lang."

Samantala, naging emosyonal ang karamihan ng netizens na nakabasa ng post.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sobrang nalulungkot talaga ako pag may mga nakikita akong ganto."
"Condolence, ganyan talaga ang buhay kailangan natin tanggapin."
"Kakaiyak naalala ko tuloy anak ko ganyang ganyan din"
"Ang buhay ng tao di natin alam kong hanggang kailan tayo mananatili sa ibabaw ng lupa kaya hanggat may nagpapahalaga at nagmamahal satin mahalin natin ng buong buo dahil ang buhay natin ay isang heram lang''
"Ito yung weakness ko"
"Ang sakit tlaga ng mwalan ng mahal sa buhay! Pero c God lang tanging nkaalam ng lahat."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Lucy Torres, beautiful lady in red sa new endorsement photoshoot

Lucy Torres, beautiful lady in red sa new endorsement photoshoot

Lucy Torres, beautiful lady in red sa new endorsement photoshoot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel