COMELEC, 'di pwedeng i-ban ang Smartmatic sa bidding para sa susunod na eleksyon

COMELEC, 'di pwedeng i-ban ang Smartmatic sa bidding para sa susunod na eleksyon

-Hindi maaaring i-ban ang Smartmatic sa mga bidding para sa susunod na eleksyon ayon mismo kay Comelec Spokesperson James Jimenez

-Ipinahayag ito ni Jimenez isang araw matapos sabihin ni PRRD na gusto niyang palitan ang Smartmatic bilang technology provider sa bansa

-Ganunpaman, pag-aaralang mabuti ng Comelec ang suhestiyon ng pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang araw matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang palitan ang Smartmatic bilang technology provider sa automated election sa bansa, may sagot na rito ang Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi maaaring i-ban ang Smartmatic sa mga bidding para sa mga susunod na eleksyon.

Sa isang artikulo ng KAMI, sinabi ni PRRD na gusto niyang palitan ang Smartmatic at dapat daw humanap ang COMELEC ng iba na "fraud free".

"Kakailanganin natin ng legal basis to ban any supplier so yun ang titignan natin,” ito ang naging sagot ni Jimenez sa media nang tanungin tungkol sa pahayg ni PRRD noong Huwebes.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa isang ulat ng Inquirer, base sa procurement laws ng gobyerno kailangang dumaan sa public bidding ang mga ahensiya at pipiliin ang may pinakamababang bid na akma sa requirements nito.

“Again…Walang hold ang Smartmatic sa Comelec, kung ‘di lamang sila ang nanalo sa bidding natin,” sabi ni Jimenez.

“Kung matanggal yung proseso ng bidding, matanggal yung requirement for a public bidding then maybe that’s something that we can work with,” dagdag pa nito.

Ganunpaman, pag-aaralan daw mabuti ng COMELEC ang suhestiyon ng pangulo.

“Ang mahalagang buod nung mensahe ay hindi itinatakwil ng Presidente and automated system, kaya nga lang, hindi siya satisfied doon sa ginagamit na supplier, so that’s something again that we can build on and over the next few days,” ani Jimenez.

“Talagang pag-aaralan po ng Komisyon ang sinabi ng presidente, there’s a lot to unpack with the president’s statement and there’s a lot of work that would be in seeing to it na ma-satisfy po yung ating bayan at ang ating pangulo,” dagdag niya.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sen. Pangilinan, kinundena ang "boba" comment ni DFA Sec. Locsin kay VP Robredo

Sen. Pangilinan, kinundena ang "boba" comment ni DFA Sec. Locsin kay VP Robredo

Sen. Pangilinan, kinundena ang "boba" comment ni DFA Sec. Locsin kay VP Robredo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel