Kakaibang parking, umani ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens

Kakaibang parking, umani ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens

-Umani ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens ang kakaibang parking na viral sa social media

-Sa magkahiwalay na kongkretong semento, maparaang ipinarada ng isang motorista ang kanyang kotse

-Ang ibang netizens, pinuri pa ang may-ari ng sasakyan dahil hindi daw ito nagparada sa kalsada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maparaan... ganito inilarawan ng ilang netizens ang kakaibang parking space na nag-viral sa social media.

Sa halip kasi sa normal na parking lot ay sa magkahiwalay na kongkretong semento ipinarada ng isang motorista ang kanyang kotse.

Ayon pa nga sa ibang netizens, hindi madali ang ginawa nitong pagpaparada lalo pa nga at mukhang saktong-sakto lamang ang pagitan para sa mga gulong ng sasakyan!

Maraming netizens naman ang pinuri pa ito dahil hindi daw ito nakaka-istorbo sa daan.

Malaking problema sa bansa ang mga ilegal na pagpaparada ng mga sasakyan sa mga kalsada na isa sa mga sanhi ng mabigat na trapiko sa bansa.

Sa Pilipinas, patuloy ang pagsulong ng “Proof of Par­king Bill” na naglalayong mabawasan ang labis na trapiko sa bansa.

Isa na na rito ang pagpapatunay na mayroong parking lot ang isang Pinoy bago bumili ng sasakyan.

Samantala, narito ang mga komento ng ilang netizens sa viral photo mula sa Facebook page na Philippines CCTV & DASH CAM Spotted:

"At least di nya ginagawang parkingan ang kalsada."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Buti pa may sariling parking. di gaya ng iba pakalat kalat. sana may tagabasag ng salamin sa mga walang parking na kotse."

"Change oil, under chassis checked up, under chassis carwash."

"Mahilig siguro sya manuod ng Mr.Bean... maparaan... Idol... Hehehehehe."

"Isa kang alamat!!! sana may magbigay ng award at reward sa mga katulad mo na may magandang pamamaraan para sa ikabubuti ng ating bayan!!!"

"Magaling na driver ung iba sa mall na nga mag park nahirapan na jan pa kaya."

"Buti ka pa boss nd ka nkaesturbo sa ibang motorista nd gaya ng iba bibili ng sasakyan wla nman parkingan nasa kalye lng nakabalandra 24/7 magalit pa pagnasita."

"Wag na wag kang uuwi ng lasing. ayos yan kesa yung iba na walang habas magpark sa kalsada."

"Underwash ng chasis. Lol. Kalkuladong kalkulado ang park. LoDi may ari nyan."

"Atleast mey concern sya sa daan na baka makasagabal sya..ung iba kasi Hulugan na nga ung sasakyan kung saan saan pa nakabalandra kung magpark ..ang aangas pa."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel