Pres. Duterte, sinabihan ang COMELEC na palitan ang Smartmatic

Pres. Duterte, sinabihan ang COMELEC na palitan ang Smartmatic

-Sa harap ng Filipino community sa Japan, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang kanyang pagnanais na palitan na ang Smartmatic

-Anito, sasabihan niya ang COMELEC na palitan na ito dahil sa mga aberyang idinulot nito noong mga nakaraang eleksyon

-Sabi ni Pangulong Duterte, gusto niya itong mangyari bago ang eleksyon sa 2022

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na daw nakapaghintay si Pangulong Rodrigo Duterte na ipahayag ang kanyang pagnanais na mapalitan ang Smartmatic, ang technology provider para sa automated election sa bansa.

Sinabi ito ng presidente sa harap ng Filipino community sa Japan noong Huwebes, ayon sa ulat ng Inquirer.

Kakausapin daw ng pangulo ang Commision on Elections (COMELEC) na isang independent constitutional body para mapalitan na ang Smartmatic.

“I would like to advise Comelec now, I won’t delay this: Dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud,” sabi ni PRRD.

“I will assure you, I will bring this matter before the nation. And I will tell them: “Stop it because you are creating a problem that will explode,” dagdag pa nito.

Dapat daw ay sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address pa niya ito sasabihin ngunit ayaw na daw itong i-delay ng chief executive ng Pilipinas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“I was reserving that for the SONA. I will tell the Comelec, it’s an independent body. But I will really tell them, “Do not use that mechanism again,”

Matatandaang nagkaroon ng mga aberya noong nakaraang midterm election noong Mayo 13 dahil sa mga 'di gumanag vote-counting machine (VCM) ng Smartmatic.

“The people don’t like Smartmatic and if you use that in the next elections, 3 years from now, I don’t know what will happen."

"Something has got to be improved on the system. Stop using Smartmatic because there’s been a lot of – I don’t want to attribute corruption,” mariing pahayag ng pangulo.

“Kindly, I am now asking you as a co-equal body, it’s just promoting turmoil, please do not use it,”

At nais daw nito na bago dumating ang eleksyon sa 2022 ay napalitan na ito ng COMELEC.

“You have three years, katatapos lang ng eleksyon. Palitan na ninyo because it is no longer acceptable to me to the congressmen or you… anything that promotes cheating, Why are you insisting on Smartmatic?” sabi nito.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Get to know the girls in Jose Rizal’s long list of ex-lovers

Get to know the girls in Jose Rizal’s long list of ex-lovers

Get to know the girls in Jose Rizal’s long list of ex-lovers
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel