Pananatili sa trabahong ayaw mo, sanhi ng dagdag timbang ayon sa pagsusuri

Pananatili sa trabahong ayaw mo, sanhi ng dagdag timbang ayon sa pagsusuri

- Malaking bagay daw ang pagkain sa pananatili ng isang empleyado sa trabahong ayaw niya

- Ayon sa pagsusuri, madalas na pagkain ang binabalingan ng taong naii-stress

- May ilang paraan naman upang maiwasan ang di inaasahang pagdagdag ng timbang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kadalasan, binabalingan talaga natin ang pagkain kung tayo ay nakararamdam ng stress. Paano na lamang kung araw-araw ka sinasamahan ng stress sa iyong trabaho dahil sa loob loob mo'y ayaw mo na talaga ng ginagawa mo.

Ayon sa Female network, di mapapansin ng taong stress lagi sa trabahong ayaw niya na nadadagdagan na siya ng timbang.

Nabanggit ni Dr. Katherine Tyron ng global research organization Vitality Institute na naapektuhan talaga ang diet, pisikal na gawain at maging ang pag-uugali ng isang taong labis na naii-stress na sa trabahong ayaw niya.

Madalas kasing "mag-stress eat" ang taong aburido sa pagkain. Kinakain nila ang kanilang tinatawag na "comfort food" para maibsan ang sama ng loob. Kamalasan nga lang, ang mga comfort food nila ay mga unhealthy foods din kaya naman nagiging sanhi ito ng di inaasahang pagtaba.

Pananatili sa trabahong ayaw mo, sanhi ng dagdag timbang ayon sa pagsusuri

Pananatili sa trabahong ayaw mo, sanhi ng dagdag timbang ayon sa pagsusuri
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di mo rin napapansin na madalas ka nang nakaupo dahil sa mga tambak ng trabahong di mo na halos matapos agad dahil nga sa ayaw mo na talaga itong gawin. Labis itong nakasasama sa kalusugan dahil para mapanatili nating malusog ang pangangatawan, kailangan din natin ng mga pisikal na gawain.

Sa kabila ng mga masasabing maling gawain na ito na sanhi ng pagbagsak ng iyong kalusugan, di naman pinapayo na basta na lamang iwan ang trabaho.

Siguraduhin pa ring mayroon kang plan B bago mo tuluyang iwan ang trabahong ayaw mo at nakakadagdag pa sa iyo ng timbang.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel