Wowowin contestant na binansagang "hipon", kinagiliwan ng netizens

Wowowin contestant na binansagang "hipon", kinagiliwan ng netizens

- Agad na nag-viral ang video ng Wowowin contestant na si Herlene Nicole Budol

- Binansagan daw siyang hipon ng mga taong di rin naman daw kagandahan

- Umabot na sa mahigit 2.4 million views ang nakakatuwang panayam niya sa host ng Wowowin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa Wowoin contestant na si Herlene Nicole Budol. Isa siyang BikiniOpen winner kaya naman kapansin-pansin ang magandang tindig ng katawan nito.

Sa pag-interview pa lang ng host na si Willie Revillame kay Herlene, litaw na kaagad ang natural na pagiging makulit nito.

Kinuwento niya ang pagiging nag-iisang anak ng kanyang ina sa kanyang ama dahil ang tatlo pa niyang kapatid ang may pare-parehong ama.

Raketera rin si Herlene at siya ang nagsusuporta sa kanyang pag-aaral. Laki siya sa kanyang lolo at lola ngunit sakali man daw na siya ay umasenso, di pa rin niya kalilimutan ang kanyang ina.

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito sa kanyang buhay, nakakatuwang positibo pa rin si Herlene at nananatiling masayahin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Katunayan, naikwento pa niyang binansagan siya ng ilan ng pagiging isang "hipon."

Paliwanag niya, ang hipon daw kasi tinatapon na lamang ang ulo at ang napapakinabangan ay ang katawan.

Kung ihahalintulad daw ito sa kanya, maganda raw ang katawan ngunit hindi raw ang mukha.

Tuwang-tuwa ang mga audience maging si Williw sa kakulitan ng contestant.

Narito ang kabuuan ng video.

Maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa kakulitan na ito ni Herlene. Katunayan, pumalo na sa mahigit 2.5 million views ang video at umani na rin ng nasa 68,000 na reactions.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel