Heart Evangelista, katrabaho ang isang kilalang Hollywood actor sa bagong international film

Heart Evangelista, katrabaho ang isang kilalang Hollywood actor sa bagong international film

- Katrabaho ni Heart Evangelista ang isang kilalang Hollywood actor sa bagong international film

- Nagbahagi si Heart ng isang larawan sa social media kung saan kasama niya ang naturang aktor

- At tinag pa niya ito sa kanyang post na agad namang napa-react ang mga fans at netizens

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Trending ang latest IG post ni Heart Evangelista na naispatan ng KAMI dahil kasama lang naman ng kinikilalang Darling of the Philippines ang isang kilalang Hollywood actor sa bagong international film na shini-shoot ngayon sa China.

Sa caption ay nagbigay galang at pasasalamat si Heart sa isang magandang pagkakataon na maktrabaho ang magagaling at mga batikang mga aktor gaya ng naturang Hollywood actor na si Armand Assante.

Ang huli ay ang gumanap sa lead role na John Gotti sa HBO TV film na 'Gotti' noong 1996 at nanalo ng 'Primetime Emmy Award for Outstanding Lead Actor in a Limited Series or a Movie' at nakatanggap pa ng ilang nominations.

Bumuhos naman ang reaksyon mula sa mga excited na fans at netizens.

"Hollywood ka na. Kailan ipapalabas?"
"Pang-hollywood na si Hearty!"
"Oh wow! He starred on the movie The Mambo Kings alongside Antonio Banderas!"
"This is it Hearty. God is really good. good luck on your international movie."
"Omg! You have truly penetrated the big H, next you will be introduced to Denzel Washington wowwww!!!"

Bukod pa kay Heart Evangelista, nakamit na rin ni Marcelito Pomoy ang makapa-exclusive meet and greet sa kanyang ultimate idol Celine Dion at ito ay dahil sa sikat na TV host at komedyante na si Ellen DeGeneres.

Ang ganda at saya lang na nakakamit na nila ang kanilang mga pangarap.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel