12-anyos na pinormahan ng titser niya, ginigipit naman ng sariling ama

12-anyos na pinormahan ng titser niya, ginigipit naman ng sariling ama

-Nakipag-matigasan ang tatay ng grade 8 na estudyante na hindi ibigay ang kanyang report card sa bata

-Kahit pa nga nagharap-harap na ito at ang kanyang mag-ina sa barangay ay hindi pa rin nito ibinagay ang card na kailangan ng kanyang anak para makapag-enroll

-Ang guro naman na inireklamo ng ina ng bata ay inireklamo na ng ina nito sa DepEd

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patuloy na nagmatigas ang inirereklamong tatay na si Joseph Mendoza sa kanyang mag-ina na hindi ibigay ang report card ng bata.

Matatandaang idinulog na ng mag-inang Marilyn Villando at Marimar ('di niya tunay na pangalan), si Mendoza dahil ipina-hold nito ang report card ni Marimar, na naiulat na ng KAMI.

Incoming grade 8 ito sa pasukan at kinakailangan nito ang report card para makapag-enroll sa susunod na pasukan.

Ngunit kahit nanagharap-harap na ang mga ito sa barangay ay hindi pa rin ibinigay ni Mendoza ang dokumentong kailangan ng anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At sa halip ay hinamon pa nito ang dating kinakasama na magkita sila sa korte.

Maging ang staff ng programang Raffy Tulfo in Action ay hindi napigilang makipag-sagutan dito dahil sa patuloy nitong panggigipit sa mag-ina.

Mabuti na lamang ay pinayagan ng eskwelahang papasukan ni Marimar na makapag-enroll ito kahit kulang ang mga requirements nito ayon sa update ng programa.

Samantala, ang guro na si Marc Ernest Javier naman na inireklamo ng mag-ina na nakarelasyon diumano ni Marimar ay idinulog na rin ng mga ito sa Department of Education Region 3 upang sampahan ng kasong administratibo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel