Viral na artist na putol sa isang braso, nagpapanggap lang pala

Viral na artist na putol sa isang braso, nagpapanggap lang pala

- Minsan nang nag-viral ang tweet patungkol sa isang artist na putol ang isang braso

- Matatagpuan ang artist na ito sa may Manila city hall underpass at marami-rami na rin ang nakapansin sa mga obra niya

- May nakapagsabing di raw pala talaga putol ang braso nito at nakumpirma nga ito ng GMA news

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nitong nakaraang linggo lamang, nag-viral ang artist na putol ang braso na matatagpuan sa underpass na malapit sa Manila city hall.

Una nang naibalita ito ng KAMI ang post ng netizen na si Miecah Patiño patungkol sa lalaking ito na ballpen lamang ang gamit sa pagguhit ng kanyang mga obra.

Marami-rami na rin ang nakapansin kay "one-armed artist" at nagsabing nakabili na rin sila ng mga ginuhit nito.

Ngunit, sa panayam ng GMA news sa ilang nakakakilala sa artist na nakilalang si John Mark, di raw pala totoong putol ang kaliwang braso nito. Isa lamang daw itong gimik upang siya ay kaawaan.

Nang makapanayam din ng GMA news si John Mark, di naman niya ito tinanggi at kita na rin ang tinatagong braso habang sinasagawa ang interview.

Narito ang video ng kabuuan ng interview kay John Mark.

Magsilbing paalala raw ito sa atin na huwag basta-basta maniniwala sa mga nakikita sa social media.

Nararapat na mag-ingat at maging mapanuri sa mga nakikita o nababasa sa iba't ibang pahina sa internet.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong devices

Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong devices

Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel