Biker, iniligtas ang 1 bata na inaatake ng epilepsy sa gitna ng traffic

Biker, iniligtas ang 1 bata na inaatake ng epilepsy sa gitna ng traffic

-Hindi nag-dalawang isip na tumulong ang isang biker sa mag-amang nagkaroon ng emergency sa gitna ng mabigat na traffic

-Napadaan lamang ang lalaking ito sakay ng isang single na motor nang makita ang sitwasyon ng mag-ama

-Kaya naman agad itong umaksyon at sa pamamagitan ng kanyang motor ay mabilis na naisugod ang bata sa malapit na ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Puno ng tensyon ang bawat sandali sa isang insidente na muntik nang ikapahamak ng isang batang babae.

Sa viral video mula sa Facebook account ni Ben Phillips, makikita ang isang lalaking sakay ng kanyang single na motor ang tila bayaning sunagip sa buhay ng isang batang babae.

Sa kuha ng dashcam nito, makikita ang pag-hinto nito sa harap ng isang itim na kotse.

Makikita ang isang lalaki na pilit kinakalma ang isang batang babae na nakasakay sa passenger's seat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inaatake ito ng epilepsy at halatang natataranta ang ama nito. Hindi rin nito mapaandar ang sasakyan. Marahil ay natatakot nitong iwan ang anak sa kotse.

Bukod rito ay naipit din sila sa napakabigat na traffic.

Nang makita ang sitwasyon, agad na bumaba ang biker at isa-isang nilapitan ang mga kotseng nakaharang sa kotse ng mag-ama upang makiusap sa mga ito.

Makikita namang agag na nagbigay ng daan ang mga motorista ngunit alam nitong kinakailangan nang madala ang bata sa ospital.

Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang motor ay ini-angkas niya ang mag-ama at mabilis itong pinaharurot.

Ganunpaman, ligtas na nakarating ang mga ito sa pinakamalapit na ospital sa loob ng apat na minuto.

Bumuhos ang mga papuri at pasasalamat ng mga netizens para sa bayaning rider sa social media dahil sa pagtulong nito sa mga taong 'di naman nito kilala.

Ngunit walang pag-aalinlangan niyang tinulungan sa abot ng kanyang makakaya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Filipina caregiver at nobyo, inaresto dahil sa ginawa nila sa matandang pasyente

Filipina caregiver at nobyo, inaresto dahil sa ginawa nila sa matandang pasyente

Pinay caregiver at nobyo, inaresto dahil sa ginawa nila sa matandang pasyente
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel