Public school teacher, hinirang na Happiest Pinoy ngayong 2019

Public school teacher, hinirang na Happiest Pinoy ngayong 2019

- Napili ang public school teacher na si Zaldy Bueno bilang Happiest Pinoy ngayong 2019

- Ito ay patimpalak ng Cebuana Lhuillier na nilahukan ng nasa 800,000 na Pinoy na may nakaka-inspire na mga kwento ng kanilang buhay

- Sa 10 finalists, napili si sir Zaldy dahil na rin sa pagiging huwaran nito at sa kanyang adbokasiyang higit pang makatulong sa kanyang mga mag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 37 taong gulang na guro ng pampublikong paaralan ang hinirang na Happiest Pinoy ngayong taon ng patimpalak ng Cebuana Lhuillier.

Nakilala si Zaldy Bueno na tubong Gumaca, Quezon na ikaapat na hinirang na Happiest Pinoy mula nang magsimula ang patimpalak noong 2016.

Ngayong taon, si sir Zaldy ang nagwagi dahil sa nakakamanghang kwento ng kanyang buhay at kung paano niya napagtagumpayan ang mga naging pagsubok ng kanilang pamilya.

Siya ang napili ng mga huradong sina Usec. Zenaida Maglaya, Gang Badoy Capati, James Deakin, RJ Ledesma, Love Anover-Lianko, Jonathan Yabut, Winston Maxino, Rommel Arellano, and Richardson Navor.

Nakita nila ang puso ng guro sa pagtulong pa niya sa kanyang mga mag-aaral sa pamamagitang ng proyekto niyang PADYAK o Pidal Apakan Dunong Yayaman, Asenso’y Kakamtan na nagsimula noong 2017. Ito ay naglalayung magbigay ng bisekleta sa mga batang may kalayuan ang paaralan.

Dahil sa proyekto niyang ito, maraming mga batang out-of-school-youth ang nakabalik sa pag-aaral, dahilan para tumaas na rin ang bilang ng mag-aaral sa kanilang lugar.

Marami-rami rin ang pinagdaanang pagsubok sa kanyang buhay lalo na noong kabataan pa niya. Naranasan niyang magtinda ng gulay para may pambaon siya sa paaralan. Tinutulungan din niya noon ang inang dating labandera.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Masasabing pinakamatinding dagok sa kanilang buhay ay nang sirain ng bagyong Rosing noong 1995 ang kanilang tahanan dahilan para tumira lamang sila sa barangay hall.

Upang maigapang ang pagkokolehiyo, dalawang trabaho ang kanyang pinasok para lamang masiguro niya ang kanyang pagtatapos na napagtagumpayan naman niya sa loob ng anim na taon.

Sa ngayon, head teacher na ng English department si sir Zaldy sa Gumaca National high school.

Nang tanungin kung saan niya gagamitin ang isang milyong pisong napanalunan sa patimpalak, "I will use it to further improve Project PADYAK by acquiring more bike units which more youths can use to get to school," pahayag ng nakaka-inspire na guro.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pauleen Luna, Dani Barretto, other celebs react to Mariel Padilla's beautiful maternity photo

Pauleen Luna, Dani Barretto, other celebs react to Mariel Padilla's beautiful maternity photo

Pauleen Luna, Dani Barretto, other celebs react to Mariel Padilla's stunning maternity photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel