Multi-million dollar pearl, nadiskubreng yaman ng pamilya ng isang half Pinoy

Multi-million dollar pearl, nadiskubreng yaman ng pamilya ng isang half Pinoy

-Nadiskubre ng isang Filipino-Canadian ang isang natatanging yaman ng kanilang pamilya na ngayon ay nasa kanya na

-Nakakalula ang halaga nito na umabot na sa ilang bilyong piso

-Ganunpaman, wala daw itong balak na ibenta ang family heirloom at sa halip ay nais niyang makita ito ng maraming tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakalula ang halaga ng itinuturing na isa sa world’s largest pearls. Umabot ito sa $60 hanggang $90 million o tumataginting na P3.13 to P4.7 billion.

At ito ay pagma-may-ari ng Filipino-Canadian na si Abraham Reyes na naka-base na sa Mississauga, Ontario.

Napag-alaman ng KAMI mula sa isang report ng ABS-CBN News na dati lamang daw itong nakatago sa bahay ng pamilya ni Reyes sa Maynila.

Sabi sa ulat, nabili ng tiyuhin ni Reyes ang perlas sa Camiguin bilang pasalubong sa kanyang tiyahin noong 1959.

Ang family heirloom na tinawag na “Giga Pearl,” ay napunta kay Reyes noong 2016.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“In 2016 when she was unloading her estate…the family members were more interested with the estate, the home, mine is the collection of art,” ayon dito sa isang panayam sa CTV News.

Sa kasalukuyan ay nakalagay ito sa isang bronze octopus sculpture. Authenticated din ito ng Gemological Institute of America sa New York City ayon naman sa isang report ng Inquirer.

Bagamat malaking halaga ang katumbas ng yaman na ito, wala raw plano si Reyes na ibenta ito at sa halip ay nais niya itong ipakita sa maraming tao.

“My goal is to have it brought to the museum or galleries for the world to see it. I want it to be used to create environmental awareness,” anito.

“A pearl is [possessed] by luck. Owning it is an honor, It’s such an accomplishment, [as if] you were chosen by fate. I want the world to enjoy it.” dagdag pa nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo

Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo

Netizens, di magkamayaw sa latest viral pics at videos nina Sarah at Matteo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel