Dating OFW, pinatos ang tropang PWD ng kanyang mister; Tulfo, umaksyon

Dating OFW, pinatos ang tropang PWD ng kanyang mister; Tulfo, umaksyon

-Nagngingitngit ang lalaking pinagtaksilan ng kanyang asawa at ng kanyang tropa

-Ang masakit pa, ay nadiskubre niya umano na nagsasama na sa iisang bahay ang dalawa

-Samantala, nang malaman ni Raffy Tulfo na ang driver na tropa ni mister ay driver na visually impaired, agad-agad itong gumawa ng askyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila talunan ang isang complainant na dumulog at humingi ng tulong kay Raffy Tulfo sa programang Aksyon sa News5.

Ayon kay Juanito Mirabueno, pinagtaksilan siya ng kanyang misis na si Jenalyn Mirabueno at ng kanyang kaibigan na si Robert Serio.

Nadiskubre pa umano ni Juanito na nagsasama na ang dalawa sa iisang bubong.

Sinabi rin nito na hindi ito ang unang beses na niloko siya ng kanyang asawa dahil noong ito ay OFW pa lamang sa Taiwan ay mayroon na rin umano itong ibang nakarelasyon.

Sa tulong ng programa, nagkaharap ang mag-asawa sa harap ng San Pablo police station.

Doon nagngingitngit na kinausap ni Juanito si Jenalyn sa mga ginawa nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagamat, hindi naman itinanggi ni Jenalyn ang mga akusasyon ng kanyang mister, mariin nitong sinabi na hindi na siya makikipag-balikan pa sa mister.

Dahil dito, napagpasyahan ni Juanito na magsampa ng kaso laban sa kanyang asawa at sa kanyang kaibigan.

Ngunit ayon naman sa update ng team ng Raffy Tulfo in Action, ini-atras din nito ang kaso kay Jenalyn ngunit itutuloy ang kaso laban kay Roberto.

Samantala, napag-alaman ni Raffy Tulfo na visually impaired si Roberto ngunit nakakuha ito ng lisensya.

Agad na umaksyon ang beteranong mamamahayag at isinangguni sa LTO ang kaso ni Roberto.

Noong una ay nagkaroon ng 'di pagkaka-unawaan sa pagitan ng ahensiya dahil sa memorandum na magbibigay ng karapatan sa mga PWD na magkaroon ng lisensiya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ion Perez finally discloses real score between him and Vice Ganda

Ion Perez finally discloses real score between him and Vice Ganda

Ion Perez finally reveals real score between him and Vice Ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel