UV Express driver na may kakaibang kondisyon, hinangaan ng kanyang naging pasahero

UV Express driver na may kakaibang kondisyon, hinangaan ng kanyang naging pasahero

- Viral ang post ng isang pasahero tungkol sa driver ng nasakyan niyang UV Express

- Mayroon kasi itong Parkinson's Disease ngunit di ito naging sagabal sa kanyang pagha-hanapbuhay

- Hiling din ng naging pasahero na sana'y matulungan ang driver sa kanyang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humanga ang netizen na si Janine Malagueno Pachoco sa driver ng UV express na nasakyan niya.

Nakilala niya ang driver na si Rodiniel Dalisay at ito ay mayroong Parkinson's disease.

Sa video na binahagi ni Janine kasam ng kanyang post, mapapansing inboluntaryong gumagalaw ang katawan ng driver na marahil nagpapahirap sa kanyang pagmamaneho.

Pero ang nakaktuwa kay Rodiniel, siniguro niyang kaya niya ang kanyang ginagawa at ligtas na makakarating sa paroroonan ang kanyang mga pasahero.

May driver's license naman ito at 30 taon na raw siyang nagmamaneho.

Napansin din ni Janine na maingat magmaneho si Rodiniel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Patuloy pa rin ang pagkikwento ng driver habang nagmamaneho at nasabi niyang wala pang lunas sa kanyang kondisyon.

Kinakailangan lamang daw talaga niyang kumita ng pera para sa kanyang asawa at dalawang anak na babae.

Sa kabila raw ng sitwasyon nito, napansin ni Janine na positibo pa rin daw talaga ang pananaw nito sa buhay.

Gayunpaman, hiling ng naging pasahero na matulungan ang driver sa anumang paraan upang maibsan ang hirap ng kanyang kalagayan.

Umabot na sa 14,000 reactions, 7,100 comments at 25,000 shares ang naturang post. Halos 2 million views na rin ang video nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel