Ilang school supplies na nabibili sa Maynila, delikado ayon sa isang grupo

Ilang school supplies na nabibili sa Maynila, delikado ayon sa isang grupo

-Isang grupo ang nagbigay ng babala para sa mga magulang na bibili ng mga gamit sa eskwela na mas maging mapanuri

-Ayon sa grupo, may mga kemikal na nadiskubre sa ilang mga school supplies na kanilang nabili sa Divisoria at Quiapo

-Samantala, kumpirmado na ang pagbabalik-eskwela para sa taong 2019-2020 ngayong Hunyo 3

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa Hunyo 3 na magsisimula ang klase para sa school year 2019-2020 ayon na rin sa pahayag ng Department of Education, na una nang naibalita ng KAMI.

Kaya naman ang ilang mga magulang, paniguradong abala na sa pagbili ng mga school supplies ng kanilang mga estudyante.

Ngunit may babala ang grupong EcoWaste Coalition sa mga nanay at tatay na mas maging mapanuri sa mga bibiling gamit pang-eskwela, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

"Our schools and the products that children use should be totally safe from these chemicals that can put their development and health at risk," sabi ni Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng grupo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa grupo, dapat tiyakin ng mga mamimili ang seguridad na ligtas ang mga ito mula sa mga kemikal na posibleng makasama sa bata at hindi lang dahil ito ay mura.

Base sa ulat, nag-ikot ang grupo sa mga tindahang nagbebenta ng mga school supplies sa Maynila, partikular sa Divisoria at Quiapo at bumili roon.

Dito, nadiskubreng 34 sa 87 produkto na kanilang nabili ay mayroong mataas na antas na lead at cadmium, na pawang mga delikadong kemikal.

Kabilang sa mga nabili ng grupo dito ay ilang klase ng crayon, water colors, water container, bag tag, hair clip, at mga backpack at mga walang label.

Nananawagan ang grupo sa mga kinauukulan na tiyaking ligtas para sa mga bata ang mga produktong ibebenta sa merkado.

Samantala, sa iba pang ulat ng KAMI, isang grupo sa Cebu ang nagbebenta ng mga lapis na pwedeng itanim.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel