22 anyos na bulag at may autism na contestant ng America's got Talent, nakakuha ng golden buzzer

22 anyos na bulag at may autism na contestant ng America's got Talent, nakakuha ng golden buzzer

- Marami ang humanga sa America's got Talent contestant na si Kodi Lee sa kahusayan nitong umawit at tumugtog ng piano sa kabila ng kanyang kapansanan

- Kwento ng ina na si Tina Lee, musila ang naging buhay nni Kodi gayung wala siyang nakikita

- Naging emosyonal pa ang ilan sa mga judges at binigyan pa ito ng standing ovation at golden buzzer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang naging performance ng contestant ng America's got Talent na si Kodi Lee matapos nitong makakuha ng golden buzzer.

Sa Facebook post ng naturang programa, napag-alamang walang paningin si Kodi mula pagkabata at mayroon pa itong autism.

Sadyang nakamamangha ang talento na ito ng 22 anyos na contestant dahil sa bihira sa kanyang kondisyon ang makaawit at makatugtog pa ng piano. Di lang iyon, masasabing mahusay talaga ito na hindi basta marunong.

Nang siya ay kumanta na at tmugtog pa ng piano, di naiwasang mapaluha ng ilang judges.

At nang matapos ang kanyang kanta, nanguna ang isa sa mga istriktong judges ng patimpalak na si Simon Cowell sa pagtayo at pagpalakpak kay Kodi.

Samantala, pinuri rin ang ina ni Kodi na si Tina Lee a pagpapalaki nito ng maayos sa anak at sa pagbibigay ng ganitong klaseng oportunidad dito.

Sinabi pa ng bagong judge ng season na ito na si Gabrielle Union na dahil daw dito, buong puso niyang pinindot ang golden buzzer. Nangangahulugang diretso na si Live shows ng America's got Talent si Kodi sa Hollywood.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuan ng performance ni Kodi sa espesyal na araw na iyon sa kanya:

Umani na ng nasa mahigit 20 million views ang video ni Kodi sa loob lamang ng walong oras na pagkaka-post nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Jones clarifies pregnancy rumors because of a recent Instagram post

Kim Jones clarifies pregnancy rumors because of a recent Instagram post

Kim Jones' recent photo with husband sparked pregnancy rumors
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel